Si Madonna at ang Kabbalah
Nalaman ko ang spiritual wisdom na Kabbalah dahil fan ako ni Queen of Pop, Ma-donna. Alam kong sineseryoso nya ang kanyang spiritual journey. (feeling ko close kami!) 2016 nang ma-laman ko sa kaibigan kong si Lach Baviera na may Kabbalah pala sa Pilipinas. (akala ko pang international kineme lang!) Agad kaming nag-register ng kaibigan kong si Direk Francis Pasion sa 10 classes ng Kabbalah 1. (feeling Madonna kami!) Sa kasawiang palad, ilang linggo bago magsimula ang klase, inatake at sumakabilang buhay si Francis. Dapat hindi ko na itutuloy ang pag-attend, dahil hindi ko na sya kasama. Pero gumawa ng paraan ang universe para matuloy ako. (ang dramatic nito!)
9 years na akong Kabbalah Student (and counting! ‘Di naman ‘yun tumitigil!). Aminado ako na nung una si Madonna lang talaga ang dahilan kung bakit ako nag-Kabbalah. Pero sa pagdaan ng panahon, may dahilan kung bakit ko ito nadiskubre at kung bakit ko pinili maging estudyante. (walang coincidence sa mundong ito!) Hindi ito religion. (bilang Katoliko pa rin ako ha!) Ito ay nagpapakita lamang ng tamang direksyon para sa ating soul. (ay pa-soul na ko ha!)
Kakatapos lang ang selebrasyon ng Rosh Hashanah (RH). Para itong new year sa Kabbalah kung saan inihahanda ang bawat isa para sa mas maayos at mas kapakipakinabang na pamumuhay. (worldwide itey!) Palaging nagiging bahagi si Madonna nito. Madalas sa Kabbalah Centre New York sya nagpupunta. (sana magkita kami ng ate ko sa RH! Bilang sa concert pa lang nya sa Manila ko sya nakita!)
Matapos ang selebrasyon ng RH, inilabas ng Kabbalah Centre ang isang espesyal na episode ng Jay Shetty Podcast kung saan ibinahagi ni Madonna ang kanyang spiritual journey sa Kabbalah. Kasama rin dito si Kabbalah teacher Eitan Yerdeni.
Mapapanood ang podcast sa link na naka-post sa instagram na @kabbalahcentre.
Ayon sa Kabbalah: “Madonna’s first-ever podcast interview with Jay Shetty gave a glimpse into her spiritual life. Today, she goes even further. Together with her teacher Eitan Yerdeni, Madonna is launching “The Mystical Studies of the Zohar on Kabbalah Master Classes.” Explore the wisdom that can help anyone grow through challenges, find radical forgiveness and reveal more of their unique Light.” (love, light and blessing sa ating lahat! )
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest
























