^

PSN Showbiz

Ashley, ayaw maging beauty queen!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ashley, ayaw maging beauty queen!
Ashley Ortega.
STAR/ File

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ni Ashley Ortega mula nang lumabas sa Pinoy Big Brother house. Matatandaang isa ang Kapuso actress sa naging housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition.

“Siguro noon, when I walk outside, hindi nila nakikilala ‘yung pangalan ko but they know my face. Parang, ‘Uy! Artista ‘yan, artista ‘yan!’ Pero now, ‘Si Ashley, si Ashley!’ Right now naninibago rin naman ako. When I go out, ‘Uy! Si Ms. Ashley!’ I’m more seen now as Ashley Ortega,” nakangiting pahayag sa amin ni Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda.

Lubos ang pasasalamat ng dalaga dahil sa kabi-kabilang mga proyekto na kanyang natatanggap pagkatapos ng naturang reality show.

“Ang dami, ang daming brands, ang daming projects. Ang daming brands na hindi ko talaga in-expect. ‘Yung blessings na natanggap ko after PBB, I’m grateful for that. And siyempre feeling ko naman ‘yung nangyari sa akin after PBB, is because of the fans also who got to know me as Ashley Ortega more. Feeling ko sila talaga ang dahilan kung bakit ko naabot rin ‘yung estado ko ngayon. I owe it to them,” pagbabahagi ng aktres.

Bukod sa ilang ari-ariang naipundar ay nakatakda na ring simulan ngayon ni Ashley ang sariling negosyo.

“Because of my blessings, grateful sa mga brands, nakabili po ako ng property. So ‘yon, ipon-ipon and I’m starting my scented candles business soon. Mas gusto ko do’n i-invest ‘yung money na kinikita ko sa mga blessings ko ngayon,” dagdag pa niya.

Matatandaang naibahagi ng dalaga sa publiko ilang buwan na ang nakalilipas ang tungkol sa naging tampuhan nila ng ina. Inamin ni Ashley sa amin kamakailan na hindi pa rin sila nagkakausap ng kanyang ina. Ngayon ay patuloy na lamang daw na ipinagdarasal ng aktres ang ina.

“’Yung lagi kong dasal kay mama is to have peace of mind, is to have good health, to find peace. ‘Yun ang lagi, as in paulit-ulit. Lord, please give her peace of mind, to have peace and to have good health, ‘yun lang paulit-ulit, Tito Boy. I just want her to be happy, to be genuinely happy. Everyday she’s always part of my prayers,” pagtatapat ng Kapuso actress.

Samantala, maraming humihikayat kay Ashley upang sumali sa mga beauty pageant. Magtu-27 years old na ngayong Disyembre ang dalaga at hindi raw niya nakikita ang sarili na magiging beauty queen.

“Tito Boy, alam mo napi-pressure ako kasi ang dami talaga nagsabi na bagay raw ako sa beauty queen na ‘yan. I joined before, nanalo ako ng crown. Pero feeling ko talaga it’s not for me, Tito Boy, because I love being an actress. Acting is my passion.

“Sa beauty queen naman, thank you. I’m flattered sa mga taong nakakaisip na pasok pala ako maging beauty queen. But I just feel like it’s not for me. Kasi sa life ko ngayon I know my priorities. I know what I want. I always say that I really want to be a versatile actress, a respected actress. An icon actually when it comes to acting,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

ASHLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with