Pia Arcangel, loyal sa Kapuso

Nananatiling Kapuso ang multi-platform veteran broadcast journalist na si Pia Arcangel matapos niyang muling pumirma ng kontrata noong Agosto 29.
Dumalo sa contract signing sina GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso, at Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials Michelle Seva.
Bahagi na si Pia ng GMA bilang anchor at journalist mula pa noong taong 2002.
Sa mahigit dalawang dekada ng kanyang karera sa media industry, mula sa paggawa ng mga dokumentaryo hanggang sa pagko-cover ng pulitika, krimen, breaking news, sports stories, at pagiging anchor ng mga news program—kabilang siya sa mga pinaka-nirerespetong broadcast journalist ng kanyang henerasyon.
Kasalukuyan siyang anchor ng Saksi at kasama si Ivan Mayrina sa 24 Oras Weekend. Siya rin ang host ng podcast na Power Talks with Pia Arcangel, ang interview podcast na pinrodyus ng GMAIN’s Digital Strategy and Innovation Lab (DigiLab), kung saan napapakinggan ang mga eksklusibo at makabuluhang pananaw mula sa mga pangunahing personalidad ng bansa.
- Latest





















