^

PSN Showbiz

Bye Barko, Hello Birit!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Pagka-graduate ng kursong Marine Transportation sa Ilo-ilo, sumabak agad sa barko si Jake Villamor.

Kinarir nya ito nang anim na taon. (ay sana nag-swimming tayo bro!) Pero hindi talaga ito ang career na gusto niyang marating, kaya itigil nya ito.

Singing at Acting talaga ang kanyang hilig. (ay ako may ibang hilig!)

Isa sa pinagkaabalahan nya ay ang live streaming kung saan kwentuhan at kantahan ang kanyang drama. (magkwentu..han tayo, bro!) Dito nya nakuha ang mga roles nya sa ilang BL series. (ay bakit ‘di ako ang partner mo?!)

“Yung friend ko, ni-refer ako. Sabi nya gusto ko raw ba mag- acting. Mag-send lang daw ako ng audition video. “Pag-alala ni Jake. (naka dalawang BL si koya ha!)

Sa live streaming din nya nakilala ang Event Stylist na si Badang Rueda na nagbigay naman sa kanya ng karagdagang raket. (lapitin ng grasya!) 

“Dinala na nya ako sa mga events nya, grupo kami. Hanggang sa dumating  na ako na gumagawa ng permits nya, ako gumagawa ng kung anu ano. Parang naging staff na nya ako. Ok din kasi aside from my live streaming, may iba pa akong income,” pagbabahagi ni Jake. (ay pagawa ako ng permit!)

Last Christmas sila ni Badang ang nag-ayos ng Christmas décor sa bahay nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Nagkachikahan sila ng Asia’s Songbird, at ipinakita nya ang mga reels ng kanyang performances. Agad naman siyang ipinakilala nito sa Hari ng Kilig Songs. (parang ako ang kinikilig!)

 “Dinala ako ni Ms. Reg kay Sir Ogie na nasa baba. Sabi pa ni Sir Ogie sa’kin, sino yan, ampogi naman nyan. Tapos sabi ni Ms. Reg, huy kumakanta ‘yan. Tapos ipinakita nya ‘yung Tiktok ko,” Paglalahad ni Jake. (may tiktok din ako, Sir Ogie!)

 Hindi na pinakawalan ni Ogie ang 28- anyos na binata. Inambunan na nya ito ng mga raket, hanggang sa opisyal na nyang isinama sa kanyang management team na Ateam. “Super happy talaga. Grabe tiwala sa’kin ni Sir Ogie. It is overwhelming. I am really thankful kay Sir Ogie at sa Ateam talaga. It is really hard to find someone especially ako na wala pa akong napatunayan sa singing sa acting but then nakikita ni Sir Ogie ‘yung potential ko., to risk his time, his money, for me. It is like a validation din for me na pwede pala talaga ako for show business.” (pwede ka rin sa’kin, bro!)

Bata palang ay kumakanta na si Jake pero hindi nya hinahayaan ang sarili na maging kampante lalo pa’t malaking oportunidad ang kanyang nakuha ngayon.

“I am doing voice lessons.

Constant ‘yung schedule. Twice a week. “ (may time ka pa ba sa’kin, bro?!)

Nakapagrecord na sya ng tatlong kanta. Dalawang gawa ni Ogie at isa mula kay Direk Paolo Bustamante.

Ire-release ang kanyang first single next month.

“It’s a mid tempo song. Sabihin natin parang the Weekend vibe.” (tara na bro sa weekend!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

MARINE TRANSPORTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with