^

PSN Showbiz

Chad, nakaligtas sa death sentence

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Chad, nakaligtas sa death sentence
Chad Borja.
STAR/ File

Singer-songwriter, hitmaker, musician and entrepreneur Chad Borja was only 11 years old nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama na 51 years old at that time leaving his mother and his silbings with no one to depend on. Ito ang nag-push sa kanya na pasukin na rin ang larangan ng pagkanta.

Sa kanyang kabataan ay madalas niyang marinig ang kanyang namayapang ama na nagpapatugtog ng standard songs nina Frank Sinatra, Tony Bennett at iba pa at doon umano siya nagsimulang magkahilig sa musika.

Sobra raw siyang mahiyain noon, ayaw niyang ipaalam ang kanyang hilig sa music.

Dahil hirap na hirap ang kanilang pamilya nang mamayapa ang kanyang ama, ipinangako niya sa kanyang sarili that he will take on the responsibility ng ama.

Mahirap man ay kinaya niya ito lalupa’t ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng high school hanggang college.

Twenty units na lamang ang kanyang kulang sa accountancy course ay hindi na niya ito natapos dahil naging abala na siya sa kanyang singing career.

He was 17 nang maging bahagi siya ng Counterpoint Band in Cebu. Nang lumuwas sila ng Maynila ay sumubok umano silang mag-audition sa El Camarote pero hindi sila natanggap kaya naghiwa-hiwalay sila ng kanyang banda.

Since kailangan niyang kumita sumubok muna siya driver ng Zee Band (also from Cebu) hanggang mabalitaan niyang nangangailangan umano noon ang grupong The New Minstrels ng panibagong miyembro.

Luckily for him ay natanggap siya.

Dalawang taon din ang kanyang itinagal sa The New Minstrels that brought them performing sa iba’t ibang Asian countries and several TV guestings.

At nang magkanya-kanya ng career ang mga miyembro ang The New Minstrels ay bumalik siya ng Cebu and joined the Zee Band (ang counterpart ng Cebu sa Side A Band ng Manila) but in 1991 ay na-disband ang Zee Band.

Back in Cebu, it was the original Miss Body Beautiful Vivian Velez, former sexy star-turned successful businesswoman who discovered Chad at muli niya itong pinaluwas ng Maynila and helped him with a presscon na ang yumaong Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos pa ang nag-organize.

Kasunod na rito ang pag-sign up sa kanya ng BMG Records. Nagkataon na unti-unti na ring nakikilala noon si Ariel Rivera na kararating pa lamang galing Toronto, Canada and tried his luck sa Pilipinas sa tulong ng kanyang dating manager, ang King of Talk na si Boy Abunda.

Nang lumabas ang Ikaw Lang ni Chad, naging instant recording sensation siya habang namamayagpag na rin nang husto noon si Ariel with his hit song na Sana Kahit Minsan...

Taong 1997 nang ma-diagnose si Chad ng malignant thyroid cancer na inakala ng singer-songwriter na para na itong ‘death sentence’ sa kanya.

Kasunod na rito ang radiation at operasyon sa kanya. Twelve years siyang tumigil sa pagkanta until he was finally declared free from cancer at muling nakabalik sa sa kanyang singing career.

Bukod sa kanyang solo career, si Chad ay bahagi rin ng grupong Hitmen na binubuo nina Richard Reynoso, Rannie Raymundo at Renz Verano.

CHAD BORJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with