^

PSN Showbiz

Ang pagmamahal ni Ice kay Bossing

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Bossing Vic Sotto sa isa naging instrumento para maging child star noon si Aiza “Ice” Seguerra. (lakas maka-ice ice baby!)

Si Bossing din ang isa sa naging impluwensya ni Ice para maging ganap na singer, bi-lang musikero rin ito at madalas silang mag-duet noon sa Eat Bulaga. (makahanap nga ng boylet na makaka-duet!) Kaya naman, kahit anong i-request kay Ice para kay Bossing ay gagawin nya, tulad na lang nitong nakaraang birthday celebration ni Bossing sa EB.

Pinakiusapan si Ice na maging surprise guest pero ang catch dapat nakabihis babae sya. (ano ito, pagbabalik-loob?!)

“Thursday nila ako tinext para sa birthday ni Tito Vic ng Saturday. I said yes. Friday, eto na, nag-message staff na Direk Ice may gagawin ka. Isa ka dun sa magiging Singing Queens sa Peraphy.

Dadamitan po kayo na girl. Sabi ko, wala akong damit na pambabae. ‘Di pwede ‘yung sa na-nay ko, pang matronix na ‘yun! Sabi nila, sila raw bahala sa lahat.” Pagbabahagi ni Ice (ay marami si Paolo Ballesteros!)

Parang mag-ama na ang relasyon ng dalawa sa ilang dekada nilang pagkakakilala, at ramdam ni Ice na proud sa kanya ang comedy icon.  (na nagturo raw sa kanya mag-tong its ha!)

“We really don’t talk about my career or what I chose to do but I could see in his face na he is very proud. Ang sarap lang tulad nong 35th anniversary ko nan-dun sya, normally hindi mo naman mapapa-guest si Tito Vic. Sabi nga ni Pauleen mahal na mahal ka nitong tatay mo, para mapalabas mo yan. But he was there. Even in my 25th he was there. And you could see it in his eyes, na pagtumingin sya, na he is proud at happy ako. “Pagbibida ni Ice (at ninong si Bossing sa kasal nila ni Liza Dino!)

Maliban kay Bossing, nagpapasalamat din sya sa asawang si Liza Dino na umaalalay sa kanyang career. “Ayaw ko ‘yung nag-eenvision kasi napapagod ako. ‘Yung asawa ko sya ‘yung mahilig mag-envision. Ako kasi ‘pag masyadong malayo iniisip, napapagod ako. I have never been a planner. Lagi lang akong go with the flow. Ngayon lang talaga nagkaroon ng direksyon ang career ko dahil sa asawa ko. Sya yung dapat ganito, dapat by September may ganyan.”  (kunin kong talent manager ‘yan para magkadireksyon ako!)

Sa kanyang guest appearance sa youtube channel naming Marites University, ibinalita nyang  sasabak syang muli sa concert stage sa darating na May 10 at 11 sa  Music Museum, para sa isang Videoke Hits na performance.

“Masaya ito kasi mga Videoke hits ‘yung kakantahin ko tapos may interaction sa audience na pwedeng maki-sing along.” (ay magdadala ako ng sariling mic… ‘yung boom mic!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with