^

PSN Showbiz

Ang 77th Birthday Harbat ni Nay Lolit

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Oo ang agad na sagot ko nung tanungin ako ni Tito Gorgy Rula kung pwede akong mag-host ng 77th birthday party ni Nay Lolit Solis. (as if naman may choice ako!) Bilang mahal ko ang nag-iisang Harbat Queen, hindi talaga ako tatanggi. (buti na lang wala akong booking nung araw na ‘yun!)

Noong Linggo, May 19 ang party sa Oriental Palace sa Quezon City. (May 20 ang birthday ng lola!) 11am ang nakalagay sa invitation. (kulang na lang maging breakfast party ito!) May paalala pa na ang seating arrangement ng bisita ay ayon sa kung magkanong harbat ang ibibigay. (hindi naman ‘yan nasunod pero tawang tawa ako sa part na ito!)

Alas onse na, wala pa ang Nay Lolit. Never ‘yan na-late sa mga ganap. (minsan nga sarado pa ang venue, nasa parking na ‘yan!) Kaya ang joke ko kay Madame Salve Asis, baka um-attitude at hindi sumipot. (at ipapadala na lang n’ya mga regalo sa bahay nya kasi ‘di n’ya talaga bet mga party!) Pero hindi, pa-dramatic entrance lang pala sya dahil ‘yun ang utos ni Tito Gorgy. (pa-effect!)

Hindi maitago ni Nay Lolit ang kanyang kasiyahan, dahil maliban sa dumating ang mga malalapit sa kanyang puso ay umulan ng envelope! (hindi na magkasya sa dala nyang tote bag!) Hindi rin sya umalis sa tabi ng Bilyonaryarng si Alice Eduardo at ng iba pa nyang mayayamang friends. (kebs na sya sa ibang bisita. Charot lang!)

Aliw ang ginawang tribute video ng kanyang Startalk family na full force na dumating.  (walang kupas ang team na ito na nakasama nya for 20 years!) May special message pa si Wilma Galvante na naging boss nya noon. (na sinabing isa si Nay Lolit sa dahilan kung bakit nag-number one ang GMA noon, kahit bumabati lang naman sya sa show!)

Nagbigay din ng mga mensahe ang kanyang alaga tulad nina Alfred Vargas, Paolo Contis, Benjie Paras, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado,  Sandy Andolong at Congresswoman Lani Mercado Revilla (na major sponsor ng handaan ha!) Message with song number naman ang ibinigay nina Christopher De Leon at Tirso Cruz III (with bonus number from Arman Ferrer!)

Hindi nakarating si Senator Bong Revilla dahil nagpapagaling ito mula sa isang surgery. (pero syempre sila ni Cong. Lani ang sumagot ng event! at may pa-video message naman sya!)  Appear din via video sina Lorna Tolentino (na nasa Cannes), Gladys Reyes (na nasa London), QC Mayor Joy Belmonte at ang super love ni Nay Lolit na si Sir Miguel Belmonte. (Papa Miguel nya ‘yan!)

Ayaw umakyat ng stage ni Nay Lolit habang ginagawa ang program, pero wala syang nagawa nang isalang na namin ang isang surprise segment, ang Fast Talk with no other than Boy Abunda.  Syempre bentang benta ang mga sagot nya.  (trending ‘yan ‘pag inupload sa YT!)

Happiest Birthday daw ito para kay Nay Lolit. (ang laki siguro ng nakolekta!) Nag-melt daw talaga ang heart nya. (at may heart sya ha!)

Happy Birthday ulit! We love you! You are in my heart, always. (baka naman may pa-havs ka dyan!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with