^

PSN Showbiz

Baron, gustong bumawi sa anak na lumapit at nagpakilala sa kanya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Baron, gustong bumawi sa anak na lumapit at nagpakilala sa kanya
Baron Geisler.
STAR/ File

Nilantad ng aktor na si Baron Geisler na meron pa siyang anak sa ibang babae.

Hindi na masyadong nagbigay ng detalye ang aktor pero sinabi nito na huli niya itong nakita noong anim na taon pa lang ito at nakilala ng misis na si Jamie Evangelista.

Ang anak daw ang unang nagpadala ng mensahe sa kanya bago mamatay ang mommy niya.

Kinumusta niya ito pero hindi raw niya masabing siya ang ama ng dalaga.

Lagi raw siyang nakaabang habang umiiyak siyang lango sa anak at sinasabing mahal niya ito.

Maaalalang ginawa ni Baron ang pelikulang Doll House na tungkol din sa mag-ama kung saan drug addict ang tatay na gustong bumawi sa kanyang anak.

Dito inamin ng aktor na naka-relate siya sa ginampanang karakter na hu­ling nakita ang anak noong six years old pa lang at biglang dalaga na ito.

Kaya naman laking tuwa ni Baron at emosyonal pa siya nang mag-reach out ang anak sa kanya. Sobrang sabik daw siyang mayakap ang anak kaya gumawa siya ng paraan para magkita sila.

Unti-unti raw niya itong niligawan upang mabuo ang tiwala sa kanya hanggang sa magtanong na siya kung maaari niya na itong dalawin.

Plano raw niya ngayong makabawi sa anak at sineseryoso ang trabaho para makapag-ipon para sa pag-aaral nito.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with