^

PSN Showbiz

Serye nina Dingdong at Rhian, umere na rin sa streaming!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Serye nina Dingdong at Rhian, umere na rin sa streaming!
Rhian Ramos.
STAR/ File

Bongga, mapapanood na pala sa Netflix ang Kapuso murder mystery drama na Royal Blood na nag-umpisa na kahapon, Biyernes, March 15!

Tampok siyempre sa Royal Blood ang pagbabalik-serye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Unang umere ang murder mystery series na ito sa GMA noong 2023, at gumanap si Dingdong sa papel ni Napoy, isang motorcycle driver na kahit hirap man sa buhay ay patuloy ang sipag at tiyaga para mabigay ang mga pangangailangan ng kanyang anak.

Magbabago ang buhay nila sa pagdating ni Gustavo, ang tunay na ama ni Napoy at isang mayamang business tycoon.

High-intensity ang drama at intriga sa Royal Blood at puno rin ito ng mga unpredictable plot twists. Star-studded din ang cast na kinabibilangan ng multi-awarded actor na si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales, Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valetin, at Rhian Ramos.

Sa totoo lang hindi ko ito natapos panoorin sa TV pero ang isang sigurado bukod kay Dingdong, ang husay din dito ni Rhian.

Talagang pinatunayan niyang mahusay siyang actress kaya dapat magtuluy-tuloy ang trabaho niya.

Hay naku, ngayon talaga kahit napanood na sa TV ang isang serye, ipinalalabas din sa streaming platform.

Ang isang magandang advantage lang nito, may chance pa itong mapanood ng mga kababayan natin sa abroad.

Hay naku, iba na talaga na ngayon ang panahon. Noon radyo at TV lang ang mga serye, pero iba na ngayon.

Pero wala akong Netflix, nakikikabit lang ako kay Mel noh (kasama ko sa bahay).

Di ba tinalbugan pa ako ni Mel, siya may subscription ng Netflix. Hahahaha. Babu.

vuukle comment

NETFLIX

RHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with