^

PSN Showbiz

Dream wedding nina Jessy at Luis, embargo muna

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dream wedding nina Jessy at Luis, embargo muna
Jessy Mendiola at Luis Manzano
STAR/ File

Embargo ang photos sa church wedding nina Luis Manzano and Jessy Mendiola.

Walang lumabas sa social media, iilan-ilan lang.

Kaya tiyak na mapapanood ito nang buo sa kanilang vlog.

Pero ito nga raw ang dream wedding ni Jessy na ginanap sa isang resort sa Coron, Palawan.

Kasabay nito ang renewal of vows nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista na trending agad dahil ang ganda talaga ni Heart at marami kaagad ang nag-upload.

Anyway, andun daw ang parents ni Jessy na hindi nakadalo noong 2021 – sa civil wedding nila.

Ganundin ang pamilya ni Luis – Edu Manzano at Vilma Santos-Recto at ang stepfather ng TV host na si Ralph Recto.

Ang anak nilang si Rosie ang “little bride.”

Anyway, ngayong araw naman magaganap ang Manila reception nina Chiz and Heart na 300 ang invited guests.

Kasama rito ang mga kasama niya sa senate at marami rin daw friends si Heart.

Ivana, mahal na mahal ng mga jeepney driver

Mahal na ng mga jeepney driver si Ivana Alawi.

Ito ay matapos siyang sumakay sa jeep bilang suporta sa sa mga tsuper na natatakot na mawalan ng trabaho dahil nalalapit na phaseout ng mga lumang jeepney.

Kumalat ang isang video ng Panday Sining PUP na nasa pampasaherong jeep ang controversial sexy actress.

Hanggang April pa ang jeepney consolidation matapos itong ma-extend last January.

Pero sa totoo lang, ba’t hindi na lang ayusin ang mga jeepney at ‘wag tanggalin.

Ang sayang mag-jeep.

vuukle comment

JESSY

LUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with