^

PSN Showbiz

Brightlight producer, nakitang kasama sa Japan ang sikat na sexy star?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Brightlight producer, nakitang kasama sa Japan ang sikat na sexy star?!
Albee Benitez

Masalimuot na ang kuwento ng Brightlight producer na si Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Lalong lumaki ang isyu dahil sa paglabas ng statement ng asawa niyang si Mrs. Nikki Benitez na pinasinu­ngalingan ang pahayag ng Mayor Albee na matagal na silang hiwalay.

May mga nakikisawsaw na at nagbibigay ng sarili nilang opinyon.

Pero ang isang ikinawiwindang namin ay hindi pa rin nawawala ang pagkaka-link ng sikat na sexy actress kay Mayor Albee.

Sure na sure ang aming kaibigan na nakasabay daw ang bestfriend niya sa eroplano ang dalawa na pabalik ng Maynila galing Japan.

May kasama pa nga raw si sikat na sexy actress pero hindi raw katabi si Mayor Albee. Pati ang tatak ng medyas na suot ni Mayor ay naalala pa raw niya, dahil nakita niyang naghubad daw ito ng sapatos.

May nagkuwento pa sa aming tila seryoso na ang relasyon ng dalawa, pero hindi naman ako sinagot ng Bacolod Mayor tungkol dun.

Basta nilinaw niya sa aming matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa.

Taliwas naman sa mga pahayag ng kanyang asawa, at kahapon nga ay nakita pa naming mu­ling ipinost ni Mayor Javi Benitez ang family picture nilang kuha bago sinalubong ang taong 2024.

Sa ngayon ay tahimik na si Mayor Albee kahit pinag-uusapan na sila sa Bacolod.

Hangad na lang naming maayos nila itong pinagdaanan ng pamilya.

Sana mangibabaw ang tunay na pagmamahalan kaya ayaw ni misis makipaghiwalay.

Anak ni Angelica, ayaw pa ring kilalanin ng ama

Ibang kaso naman ang ibinahaging kuwento ni Angelica Jones nang

nakatsikahan namin sa birthday party ng producer ng BG Films International na si Baby Go nung Linggo.

Tamang-tama naman nung araw na iyun ay nakipagkita pala ang anak niyang si Angelo sa lola niya, ang tiyahin ng ama ng anak niyang si Dr. Gerald Alday.

Humingi ng tulong ang 11-year old son ni Angelica na pirmahan na ng kanyang ama ang birth certificate nito.

Ani Angelica; “Ngayon po ‘yung anak ko, siya mismo personally ang pumunta sa lola niya kanina. Dala yung birth certificate niya uli, dala yung papel niya. ‘Di ba nakakaawa?

“Pero yung Lola Emma Alday niya, sinabi naman tutulugan siya, at kakampi na niya si Angelo this time.

“Kuwento ng anak ko, ang sagot daw ni Gerald sa Tita niya…na give me time.’

“I told them na pag this time, hindi na kayang pirmahan ng tatay yung birth certificate ng anak ko, naka-ready na yung demanda.

“Nahihiya kasi ako dun sa family. Binibigyan ko pa sila ng chance… this the last chance. Nasa kanila yung papel today.”

Nilinaw naman ni Angelica na ang pangalan lang ang hinihingi niya, kahit wala naman daw siyang inaasahang suporta para sa kanyang anak.

“Sa birth certificate kasi nakasalalay yung future ng anak ko,” sabi pa ni Angelica.

Nagpapasalamat daw siya dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya.

Nagi-enjoy siya sa partisipasyon nito sa Black Rider, na dapat ay guesting lang, pero mukhang mapapahaba pa raw ang role niya.

May nakatakda pa siyang gawing pelikulang gaganap daw siyang nanay ni Ruru Madrid.

Naging close na rin si Angelica kay Madam Baby Go na in-announce niya sa kanyang birthday party na magiging active ang BG Films sa paggawa ng pelikula.

Sinabi ng line producer nilang si Dennis Evangelista na nakatakda nilang gawin ang isang family-horror-drama na ididirek ni Joel Lamangan.

Gusto raw nilang kuning magbida rito sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Beauty Gonzalez at Jillian Ward.

Meron din daw silang nakaplanong movie project na pagbibidahan nina Bela Padilla at Allen Dizon na kukunan sa Australia, at ididirek ni Adolf Alix Jr.

vuukle comment

MAYOR

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with