^

PSN Showbiz

Liza at Enrique, magtatapatan sa araw ng mga puso

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Liza at Enrique, magtatapatan sa araw ng mga puso
Liza Soberano.
STAR/ File

Matamlay na naman ang resulta ng mga pelikulang Tagalog na ipinalabas sa pagsisimula ng 2024, pagkatapos ng matagumpay na Metro Manila Film Festival 2023.

Ang pelikulang ZomBabe nina Kim Molina at Empoy Marquez ang nagbukas nung Jan. 10 na nasundan ng Raging Grace ni Max Eigenmann, ang Roadtrip ng magkakaibigang Janice de Belen, Carmina Villarroel, Gelli de Belen at Candy Pangilinan ay pawang matamlay sa takilya.

Meron dung mahigit P500K lang ang kinita sa first day of showing at meron ngang mahigit P100K lang.

Kaya ang post nga ni direk Joel Lamangan sa kanyang Facebook account kamakailan lang, “Pumunta ako at ti­ningnan ang kalagayan ng Sineng Pinoy na ipinalabas pagkatapos ng MMFF. Nanlumo ako dahil bumalik sa dating kalaga­yang kalunus-lunos ang mga sinehan. WALANG NANU­NUOD!!!”

Marami ang natuwa sa napakagandang resulta ng MMFF, pero hanggang MMFF lang ba ito?

Paano ma-maintain ang lakas at interes ng mga tao na manood ng mga pelikula natin sa sinehan.

Ang sabi ng karamihan, gandahan lang talaga ang pelikulang Tagalog. Tulad sa nasulat na namin, parang tumaas na ang standard ng mga manonood natin pagkatapos ng mga magagandang palabas sa mga streaming service.

Sa Jan. 24 ay magkatapat ang dalawang pelikulang kasali pa ang namayapang si Ronaldo Valdez.

Pero ang magandang playdate raw ay ang Feb. 14 na natama pa sa araw ng Miyerkules at Ash Wednesday pa ito.

‘Yun naman ang playdate ng Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro at ang I Am Not A Big Bird ni Enrique Gil na isa rin sa naligwak sa katatapos na MMFF.

Ewan ko kung ito rin ang playdate ng Hollywood film na Lisa Frankenstein na kung saan kasali roon si Liza Soberano.

Sa pagkakaalam ko ay sa Feb. 9 ang showing nito sa Amerika, pero wala pang balita kung kailan dito sa atin.

Maaaring sa Feb. 14 din ang playdate nito at ‘pag nagkataon, magtatapat ang pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano. ‘Yun na!

Dingdong at Jessa, kakasuhan ang naniningil!

Sinagot ng isang Fujiwara Masashi ang statement na inilabas ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kaugnay sa Facebook post ni Fujiwara na may sinisingil diumano sa mag-asawang singer na hindi pa rin naibigay.

Base sa shoutout ni Fujiwara, hindi pa naibibigay sa kanya ang condo unit na ibinenta sa kanya.

Itinatanggi nina Dingdong at Jessa ang akusasyong ‘yun, base sa statement inilabas din nila.

Bahagi ng kanilang press statement : “We categorically and specifically deny all these false, misleading, malicious, and baseless allegations made against us.

“We have not committed any offense that would undermine our integrity or tarnish the good reputation of our family name.

“Our family does not have any unpaid obligations due to anyone, nor did we commit any act to defraud any person.”

Nabanggit din sa statement na ‘yun na meron na silang pinag-uusapan ng kanilang lawyers na posibleng kasong isasampa nila laban sa nagpakilalang  Fujiwara, at mukhang may ilan pang madadamay.

Tumanggi muna si Jessa na magpa-interview dahil hindi pa siya pinapayagan ng kanyang legal counsel.

Meron pa nga raw sana siyang gustong sabihin, pero pinigilan lang siya ng kanyang abogado.

Ayon pa sa ilang pagtatanong namin, posibleng kasong Cyber Libel ang isasampa ng mag-asawa. Meron ding Extortion, pero hindi pa ito kumpirmado.

Mas mabuting hintayin na lang daw kung ano ang stateazment na ilalabas ng kanilang abogado.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with