^

PSN Showbiz

Young actress, nag-flex ng bilbil!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Pagsabihan naman daw ang stylist ng isang sikat na young actress na pawang bida ang roles sa series na nilalabasan!

Kasi naman, sa isang guesting ng young actress, maiksi pala ang suot niyang pang-itaas. Hindi naman ito crop top dahil hindi labas ang pusod.

Pero nang biglang naitaas ni young actress ang kamay, lumitaw tuloy ang kanyang bilbil, huh! Okay marahil sa iba pero siguradong may na-turn off din sa kanya.

Siyempre, kapag bida ka, maayos ang panlabas mong kasuotan kasi nilu-look up siya ng fans!

Kaya next time, busisiing mabuti ang looks ng isang sikat na artista, mula ulo hanggang paa nang sa ganoon eh hindi mawala ang ilusyon sa kanya ng publiko, huh!

Maganda pa naman si young actress!

Dingdong, may third eye!

Hayan, ini-reveal na kung kailan ang bonggang pagbabalik sa TV ng Box Office King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera!

Ang sitcom ng mag-asawa na Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0 ay mapapanood na ng publiko sa Jan. 20, Sabado, 6:15 p.m.

Eh sa teaser, tipong may third eye si Dong dahil may nakikita siyang bisita na sa kanilang villa na nagkakasiyahan pero si Marian eh walang nakikita, huh!

Basta, tumutok na sa Jan. 20, huh! 

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with