^

PSN Showbiz

Luis, makaka-head on na ni Willie?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis, makaka-head on na ni Willie?!
It’s Your Lucky Day hosts
STAR/ File

Mukhang magtutuluy-tuloy nga ang programang It’s Your Lucky Day.

Nagpa-survey na si Luis Manzano sa X (dating Twitter).

Aniya “Kung sakali lang na maging Lucky nga (di masama mangarap) , ano mas gusto niyo sa it’s your Lucky day, before Showtime or before TV Patrol, at bakit? ”

Mabilis ang sagot ng lahat “Before TV Patrol” na nag-trending pa.

Ang isa sa mga sagot “Mas maganda po before TV Patrol. Usually uwian na po yon and para pampabuhay ng afternoon. Mas magsshine din po kayo don since kaya na buhayin ng showtime yung noontime slot. Para din balanse yung shows kase after showtime, puro drama na. Then maganda na may goodvibes b4 TV Pat.”

Ganundin ang komento ng isa pa : “Maganda ang timeslot na before TV Patrol eh. Ito rin timeslot ng minute to win it before diba?

“Tapos each day, iba ibang pa-games at set of hosts. Most likely, nasa 1 hour lang kaya eh.

“Then isang day na puro hosts lang maglalaro, or hosts vs audience.”

Kaya parang alam na ang magiging kapalaran ng programa ni Luis na naging pamalit sa 12-day suspension ng It’s Showtime.

At kung matutuloy ito sa nasabing timeslot, makakatapat ba nito ang sinasabing programa ni Willie Revillame na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung matutuloy pa ang pagpapalabas sa mga government station – PTV4, RPN 9 and IBC 13?

Ang pinag-uusapan ay free TV at hindi social media paltforms.

Though parang sure na si Luis dahil nag-tweet din siya ng “Basta magkakasama tayo sa live ha! Walang iwanan!”

Kahit sa kanyang survey actually sa Instagram page niya ay ‘before TV Patrol’ din ang winner.

Kilala namang mahusay na host si Luis kaya keri niya ang programa kahit pa itapat sila kay Willie.

vuukle comment

LUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with