^

PSN Showbiz

Eddie Garcia Bill, pinagtatalunan pa ang working hours!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin na-finalize kung ano na talaga ang napagkasunduan sa ipinapasang Eddie Garcia Bill.

Nagpatawag ng meeting si Sen. Robinhood Padilla nung nakaraang linggo na dinaluhan ng mga artista, director, producer at iba pang taga-showbiz.

Ang latest na narinig namin ay hindi pa rin daw napagkasunduan ang lahat na aspeto lalo na ‘yung sa number of working hours.

May mga nagsasabing dapat ay hanggang 8 hours lang. Pero kinontra ito ng producers dahil malulugi raw talaga sila niyan, kung babayaran pa uli nila per hour ‘pag lumagpas na ng 8 hours.

Mas reasonable naman daw kung 12 to 14 hours at pinagtatalunan pa yan hanggang ngayon.

Sandali ko ngang nakausap si Sen. Bong Revilla at sinabi rin niyang mahabang usapin pa ‘yan kung hindi pa magkakasundo sa number of working hours.

“Ang kawawa talaga mga production staff na nandiyan na sila sa set bago dumating ang mga artista, tapos sila pa ang pinakahuling umuwi. ‘Yun talaga ang concern ko,” dagdag niyang pahayag.

 “Mahina na nga ang mga pelikula natin ngayon, magdadagdag pa ng gastos ang mga producer, paano pa sila makakabawi niyan?

“Mahabang usapan talaga ‘yan na dapat ay pag-aralan nang mabuti,” saad ng senador/aktor at film producer na rin.

Ang isa pa sanang gustong bigyang pansin sabi ni Sen. Bong ay ang piracy online.

Hindi sa mga ibinebentang CD at DVD ang piracy ngayon kundi online na matagal nang nangyayari at nahihirapan silang sugpuin.

Tama lang daw ngayong September na ipinag­diwang ng FDCP o Film Development Council of the Philippines ang Buwan ng Pelikulang Pilipino, isinusulong ni Sen. Bong ang Senate Bill 2385 o ang An Act Strengthening The Powers and Functions of the Intellectual Property Office of the Philippines, Amending for the Purpose Republic Act No.8293, as Amended, Otherwise Known as the Intellectual Property Code of the  Philippines.

Santambak na illegal streaming platform na ang naglipana online.

“Sa atas ng Coalition Against Piracy (CAP) ay nagasawa ng survey ang YouGOv Consumer Surveys 2023 at lumabas na halos 60% ng Pinoy consumers ay nanonood ng pirated content.

“Mahalaga sa atin ang laban na ito dahil hindi naman kaila sa marami nating kababayan na sa mundo ng showbiz tayo nagsimula mula pagkabata hanggang bago tayo pumalaot sa pulitika at naging Chairman din tayo ng Video Regulatory Board (VRB),” bahagi ng press statement ni Sen. Bong Revilla.

Derrick, nabago ni Elle

Nakikita namin kay Derrick Monasterio na sobrang seryoso siya sa relasyon nila ni Elle Villanueva.

Suportado nito ang binuksang negosyo ng Kapuso sexy actress, ang Nailandia Nail Salon and Body Spa na nagkaroon ng grand opening nung Linggo sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.

Kasama ni Elle dito sina Ysabel Ortega at Sophia Seneron na naging close niya sa Voltes V.
Open na open si Derrick sa sobrang pagmamahal niya kay Elle, dahil talagang ang laki raw ng ipinagbago sa kanya.

Dito nag-mature si Derrick na si Elle ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya. “Malaki. Sobra. Nabago niya ako,” seryosong pakli ni Derrick.

“Iba na rin talaga ‘yung outlook ko sa buhay. And compared before na lumalabas labas ako. Umiinom-inom ganyan ganyan.

“Ngayon, hindi ko na maalala ‘yung last na uminom ako. Unless, may birthday ng mga kaibigan. pero never na ako lumabas. Never na akong bumili ng mga luho,” dagdag na pahayag ng Kapuso hunk.

Si Elle raw ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang paghawak ng finances at nakita nga niyang magaling ang nobya sa paghawak ng negosyo.

 Napangiti si Elle nang hiningan namin ng reaksyon sa mga sinabi ng nobyo.

 “Ayun, nagsi-share lang kami ng values. Siya lang naman din... sa akin din, ang dami ko rin naman natutunan sa kanya.

“Sa business din, sa pagiging generous. So, nagsi-share din kami ng values and vibe.
“Ang ganda lang din ng takbo ng relationship namin kasi palagi siyang always pataas.

“Pero, siyempre nag-aaway pa rin kami. Pero ‘yung away na ‘yun, may natutunan kami and we know how to fix it,” sabi naman ni Elle.

Magsasama ang dalawa sa bagong project ng GMA News and Public Affairs na isang afternoon drama na Makiling.

vuukle comment

EDDIE GARCIA BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with