^

PSN Showbiz

Mother Lily, naging simbolo rin ng pasko noon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, naging simbolo rin ng pasko noon
Mother Lily

Very memorable month ang September dahil start ng Ber months at sabik na ang mga tao sa pagdating ng December dahil nga sa Pasko.

Kahit pa nga parang naiba na ngayon ang saya sa pagdating ng Christmas season, andun pa rin naman ang excitement siyempre ng mga bata kung saan talagang nakalaan ang Pasko. Isa sa pinaka-miss ko sa lahat ‘yung mga Christmas party ni Mother Lily Monteverde.

Doon mo makikita lahat halos ng stars noon at dahil napaka-generous ni Mother Lily that time talagang very happy ka pag-uwi mo dahil sa mga regalong natanggap mo.

At lagi naming biruan noon na dalhin lagi ang passport dahil any moment nagyayaya si Mother Lily para mag-abroad at doon ka na buy ng mga gamit mo ha.

Importante lang dala mo passport mo. Bongga di ba! Kaya naman feeling namin talaga na kami ang pinaka-spoiled na staff sa lahat ng taga-showbiz.

Those were the days talaga na lagi mong maaalala kaya naman naging motto namin nila Douglas Q. na pay forward.

Kaya ‘pag team namin, nadadala rin namin abroad basta may chance. ‘Pag mabait ang sponsor, magdadala kami ng plus 2 kaya masaya ang lahat. Balik sana ulit ang ganun, ‘di ba, para bongga.

Ngayon kasi iilan na lang talaga ang mababait kumbaga lalo na nung mauso ang mga influencer na sa totoo lang naman din ay hindi ko mga kilala dahil hindi naman ako gaanong ma-social media.

Kaya tuloy minsan talagang may nababasa akong kesyo influencer daw at milyones ang followers pero ‘di ko kakilala.

Mas gusto ko pa ring magbasa ng dyaryo at manood ng TV.

At sigurado ako marami pa ang katulad ko na traditional pa rin ang buhay at hindi nakikiuso sa mga adik sa social media.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with