^

PSN Showbiz

Michelle, binubuo naman ang kanyang buhay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Michelle, binubuo naman ang kanyang buhay
Michelle Madrigal

Ibinahagi ni Michelle Madrigal ang tungkol sa kanyang healing journey.

Ayon sa actress-turned-realtor, marami siyang natatanggap na mensahe mula sa mga babaeng na-stuck sa toxic relationship o ‘di kaya’y mga dumadaan sa divorce.

Nang tanungin siya kung kanino siya humuhugot ng lakas, sinagot niya ito at sinabing sa tatay niya siya umiiyak.

Pero tumigil na raw siya sa pag-worry sa future. Mas pinahahalagahan daw niya ang “Reciprocated energy. Reassurance. Consistency. Commitment. Communication” as well as “Prayers + Surrendering” kesa ang mabahala.

Pahayag niya sa kanyang post, “I still have to do the inner work but by the grace of God… I’m here. Rebuilding my life one day at a time.”

Hindi rin daw madali ang magpagaling at inaming nasa healing process pa siya.

“I still make mistakes, fall into old patterns and habits.”

Nag-divorce sila ng dating mister na si Troy Woolfolk noong April 2022 at may isa silang anak na si Anika.

Samantala, nilantad niya ang karelasyong si Kyle noong August nakaraang taon pero lumabas ang isyung hiwalay na sila nang burahin niya ang mga litrato nila sa kanyang social media account. Nakadagdag pa sa haka-hakang ito ay nang mag-post siya tungkol sa kanyang healing journey.

Kathryn, binagayan ng pagbabago

Bongga ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, ‘di ba.

Sa presscon pa lang marami nang padrama like medyo formal ang presentation, medyo dressy ang outfit ng attendees, at maraming first para sa isang usual presscon.

Lutang ang ganda at kaseksihan ng girlfriend ni Daniel Padilla sa presscon ng pelikula. Agaw-eksena talaga ito at confident nang rumampa.

Magandang senyales ito para sa showbiz at sana nga simula na ito ng muling pagiging active ng showbiz.

At bagay kay Kathryn ang pagbabago sa kanyang career na mula sa loveteam ay medyo matured na ang role na ginawa sa project nila ni Dolly.

Siguradong inaabangan na ng kanyang fans ang pelikula lalo na at kasama niya pa si Dolly rito. Watch natin ito, bongga.

vuukle comment

MICHELLE MADRIGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with