^

PSN Showbiz

Dahlia, mas magaling magluto kay Anne!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dahlia, mas magaling magluto kay Anne!
Dahlia

Sa edad na tatlo ay ang galing-galing na sa kusina ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia.

Binahagi muli ni Erwan ang video ng daughter nila na nag-e-enjoy habang tumutulong sa paggawa ng strawberry-flavored waffles.

Ang cute nitong tingnan na makikita sa video na tinitikman nito ang ingredients sa kanilang cooking session.

Sa caption ng mister ni Anne ay gusto raw lahat subukan ng anak nila, “She wants to try everything.”

Kinaaliwan naman si Dahlia nang sabihin nitong ‘O diba’ sa video kaya ‘di napigilang magkomento ng It’s Showtime host sa kacute-an ng anak nila at mas magaling pa raw itong magluto sa kanya.

“”O diba” when your daughter cooks better than you,” comment ni Anne sa post ng mister.

Mukhang magiging future chef si Dahlia dahil ngayon pa lang lumalabas na ang kanyang cooking skills. Bongga.

Sana lang matikman ko ang niluluto ni Dahlia. Hahahaha.

Sparkle talents, bibigyan ng malaking proyekto!

Sana matuloy ‘yung project na balak gawin para sa Sparkle talents. Binabalak kasi na bigyan ng isang malaking project ang GMA talents na under sa Sparkle.

Sabagay, marami sa kanila ang talaga namang malakas ang dating at mukhang may mararating ang talents na na-discover ng Sparkle.

Sabi nga ni Boy Abunda kay Annette Gozon Valdes meron itong mata sa mga sisikat kaya madaling makilala ang mga taga-Sparkle.

Dahil na rin sa handling ni Ms. Annette baka nga madaling matupad ng talents na ito ang kanilang pangarap.

Kaya naman nakakatuwa na sa ganitong panahon heto at marami pa rin nangangarap na maging big star, kaya naman masarap na makitang may mga tao na tumutulong sa kanila.

Heto nga ang Sparkle ever ready to fulfill their dreams. Bongga.

vuukle comment

DAHLIA

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with