^

PSN Showbiz

'Nakaka-conscious kasi': Sexy star AJ Raval ipinatanggal pekeng boobs

James Relativo - Philstar.com
'Nakaka-conscious kasi': Sexy star AJ Raval ipinatanggal pekeng boobs
Makikita sa kaliwa ang ipinatanggal na breast implants ng aktres na si AJ Raval, dahilan para lumayo ito sa dati nitong itsura sa tuwing nagpapa-sexy sa mga pelikula (kanan)
Mula sa Facebook page ni AJ Raval

MANILA, Philippines — Proud na proud ang Vivamax sexy actress na si AJ Raval habang ipinakikita sa publiko ang pares ng "breast implants" na kanyang ipinatanggal — bagay na taong 2021 pa niya napagdesisyunang gawin.

Huwebes ng hapon nang ipakita ng kontrobersyal na artista ang kanyang pagpapabawas ng dibdib, ito habang nakangiti at tila balot ng benda ang itaas na bahagi ng katawan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Mariin namang itinanggi ni AJ na siya ang tinutukoy ng isang blind item nitong Pebrero 2023. Sa nasabing artikulo, sinasabi kasing "pumutok ang breast implant" kamakailan ng isang artista matapos aksidenteng masubsob.

"[H]oyyy hindi ako yan!!! hahahahhahaa," paglilinaw ng anak ng action 90s action star na si Jeric Raval sa isang Facebook comment.

Sa isang artikulo ng PEP.ph noong Disyembre 2021, matatandaang inilinaw ni AJ na naiilang kasi siya nang magparetoke ng dibdib noong 2020.

Aminado ang aktres na na-excite siya masyado noong ipagawa ito.

"Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado... Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year," sabi niya noon sa virtual media conference ng "Crush Kong Curly."

"Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko... Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious."

Pebrero 2023 lang nang huling maging laman ng intriga sina AJ at aktor na si Aljur Abrenica matapos biglang umamin sa kanilang relasyon, bagay na ilang taon nang ispekulasyon.

Oktubre 2021 pa lang nang lumabas ang balitang siya ang dahilan sa hiwalayan ng mag-asawang sina Aljur at aktres na si Kylie Padilla. Mariin niyang idiniin na hindi siya naging kabit at hindi rin nanira ng pamilya.

vuukle comment

AJ RAVAL

IMPLANTS

VIVAMAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with