^

PSN Showbiz

Vice at Ion bumili ng baby, halos kalahating milyon ang presyo!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice at Ion bumili ng baby, halos kalahating milyon ang presyo!
Vice at Ion
STAR/ File

Kayamanan na sa iba ang presyo ng bagong baby nina Vice Ganda and Ion Perez.

Yup, may pinakilala na silang baby, finally.

Laging inuurirat sa mag-asawa kung kelan ba talaga sila magkakaanak.

Kaya naman sa isang vlog ay nag-celebrate ang followers nila nang i-upload nila ang “Vice-Ion, may Baby na!”

Matagal daw nila itong pinaghandaan at pinagplanuhan ayon kay Vice habang nasa kotse sila ni Ion.

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yong bahay namin. Para may mapag-sharean kami ng saya, tapos may magpapasaya sa aming bago. Meron kaming lalambingin, meron kaming mamahalin, meron kaming aalagaan. Para lalong maging masaya ang life, so we plan to have a baby para sumaya ang mundo,” aniya sa nasabing vlog.

May mico chip and passport ang napili nilang baby.

Maraming pinagpilian si Vice kasi ang gagan­da nga naman at iba’t iba ang lahi.

Pero isang apat na buwang super cute na combination ng black and white pomeranian ang iniuwi nila dahil parang gustung-gusto raw sila nito at makikita nga naman parang na-excite sila nang makita sina Vice and Ion.

Ang iba nilang nagustuhan ay sold na pero ang kukyut nga.

At ang halaga ng nasabing puppy, P380,000. Nag-shopping din sila ng mga higaan nito na worth P16,000.

Sabi nga ni Vice, hindi sila nagpa-college sa nasabing presyo o may special power ba ‘yun at ganun kamahal?

Pero ganun nga ang presyuhan ng mga aso ngayon na sabi nga ay nagiging status symbol na.

Pabibinyagan daw nila ito at may big party.

So certified fur-parents na ang mag-asawa.

Ang dami na actually ngayong fur-parents. Kahit sa mall magugulat ka ang nasa stroller pala hindi human baby kundi aso.

Maaalalang nag-comment si Pope Francis nang pag-usapan ang parenthood na isang form of selfishness ang pag-aalaga ng aso kesa pag-aampon. “We see that some people do not want to have a child.

“Sometimes they have one, and that’s it, but they have dogs and cats that take the place of children.

“This may make people laugh, but it is a rea­lity,” banggit ni Pope Francis last year.

Aniya ito ay “denial of fatherhood and motherhood and diminishes us, takes away our huma­nity.”

Sinabi pa ni Pope Francis na “huwag matakot” sa pagsisimula sa pagiging magulang.

Sa totoo lang mas sosyal na talaga ngayon ang mga doggie kesa sa totoong tao.

vuukle comment

ION PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with