^

PSN Showbiz

Sharon, kakasuhan ang mga produktong nanggagamit sa kanya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sharon, kakasuhan ang mga produktong nanggagamit sa kanya!
Sharon Cuneta

Ang sunud-sunod na posting ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts kung saan ay umalma siya sa panggagamit sa kanya at sa ilan pang mga artista para palabasing ine-endorse nila ang ilang mga produkto.

Kay Sharon, may produktong pampapayat na pinalalabas na ine-endorse niya. Edited pa ang picture niya kung saan kasama ang produktong ‘yon.

Pati ang video nila ni Dra. Aivee Teo ay ginamit din at ipinalalabas na ine-endorse nilang dalawa ni Sharon ang isang produkto.

Fake news nga ‘yon at hindi basta tatahimik ang Megastar sa panggagamit sa kanila.

Tinanong namin si Nancy Yang na kilalang malapit kay Sharon at promoter ng Iconic US concert tour ng Megastar at ni Regine Velasquez-Alcasid (ngayong March ang second leg nila) tungkol doon.

May legal action bang gagawin si Sharon?

“It’s with the lawyer already,” sagot ni Nancy na part din ng Team Sharon.

O, ayan, gagawan na ng legal action ng Megastar ang panggagamit sa kanya. Actually, in the past, marami ring mga celebrity na ginamit sa ganyan katulad ni Ruffa Gutierrez na naloka dahil may ine-endorse siya na ibang produkto, pero pinalabas sa social media na palihim daw siyang gumagamit ng isang produktong pampaputi na hindi naman niya kilala.

Pati si Jinkee Pacquiao ay ilang beses na ring ginamit sa fake advertisements sa social media.

Nakakaloka!

Jose Mari at the company, mabenta!

Alam mo, Ateng Salve, ang bongga talaga ni Jose Mari Chan dahil parehong successful ang Love... In Other Words sa Seattle, Washington noong Friday at ang San Francisco, California show noong Saturday kung saan nakasama niya ang The CompanY.

Tayuan nga raw ang mga nanood dahil sa ganda ng mga kanta ni Jose Mari, pati na ng The CompanY.

Naku, sana lang makaalis ako para ma-cover ko ang Saturday show nila sa Los Angeles, California na co-producer ang friend naming si Ms. Cora Oriel ng Asian Journal.

Kinumusta ko nga ang tickets sale ng LA show nina Jose Mari at The CompanY at almost sold out na, huh!

So bongga.

Moira, ready na ulit magka-love life?!

Nanood naman concert ni Moira sa Saban Theater, Beverly Hills ang ilang friends ko at puring-puri nila ang Kapamilya singer.

Puno raw ang venue kung saan guest ni Moira si Kyle Echarri.

Ang bongga lang ni Moira dahil ang dami niyang shows sa Amerika at galing pa siya sa Doha, Qatar na sobrang successful din, huh!

Hindi man bongga ang love life ni Moira dahil nauwi sa hiwalay ang pagsasama nila ng mister na si Jason Hernandez, namamayagpag naman ang kanyang career.

But who knows, baka sa pagsu-show ni Moira abroad ay may ma-meet siya na puwedeng magpatibok ng kanyang puso.

Pero ‘yon ay kung ready na nga ba siya, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with