^

PSN Showbiz

Mother Lily, walang malisya ang panunumbat!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, walang malisya ang panunumbat!
Mother Lily at Lolit Solis

Isang bagay ang hindi maganda ‘pag nagkaroon kayo ng falling out ng dati mong kaibigan.

‘Yung magsumbatan kayo ng mga bagay na ibinigay n’yo sa isa’t isa. Ang samang pakinggan lalo na at materyal na bagay ang pinag-uusapan o kaya isinusumbat.

Kasi basta ibinigay mo, dapat tapos na, dahil binigay mo na ‘di.

Imposible rin na magbigay ka na walang ginawa para sa iyo ang binigyan mo.

For sure kaya ka nagbigay dahil grateful ka sa nagawa ng tao na binigyan mo.

Ewan ko pero isang tao lang ang nanunumbat ng ibinigay niya na hindi mo magagawang magalit.  Matatawa ka pa.

Biruan namin lagi sa Regal Films na ‘pag nagagalit si Mother Lily Monteverde babawiin niya ang binigay sa iyo, pero instead na magalit ka, matatawa ka dahil ‘yung way ng panunumbat niya very cute at walang malisya at alam mong biro lang talaga.

‘Yung alam mo na hindi seryoso at dala lang ng biglang galit na madali rin namang mawala.

Saka lahat halos sa showbiz may tinatanaw na utang na loob kay Mother Lily kahit gaano kaliit. ‘Pag bigay, bigay. Dapat buong puso ang pagbibigay, walang sumbatan. Wala dapat bawian. Kaya iwasan n’yo mga tao na mahilig manumbat. Walang kuwenta ang mga ganitong tao, be careful, bongga.

Kaya ang suwerte namin na meron kaming mga friend na tulad nina Faye, Tet at Marivic. Hindi sila taga-showbiz pero talagang enjoy kami sa kanilang company.

Suwerte tayo dahil kahit anong bagay puwede nating i-share sa kanila.

At para rin sa mga kaibigan nating nasa showbiz, very comfortable tayo sa kanila.

Friendship talaga walang boundary, walang level at walang ranking. Unconditional dahil iba-iba namang ugali ng bawat tao.

We enjoy each other dahil alam natin we can rely on each other, alam mo na hindi mo kailangang matakot dahil andiyan sila sa tabi mo, babantayan ka.

Sarap ng feeling na meron kang mga tao na enjoy mo company kahit sa abroad.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with