^

PSN Showbiz

Mother Lily, naaalala ‘pag Chinese New Year

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, naaalala �pag Chinese New Year
Mother Lily

Ang bilis talaga ng araw. Katatapos lang ng Pasko at New Year, heto at Chinese New Year naman ang pinaghahandaan ng marami kahit hindi Chinese kaya nagkalat ang mga tikoy.

Nagpadala ng tikoy si Mama Susan Co ng S&R at Puregold.

Kaya naman suwerte na naman ang inaasahan nating lahat this year dahil ang paniwala basta nakatanggap ka ng tikoy tiyak na magiging lucky ang year mo.

Imagine mo na napakaaga ng bigay na tikoy ni Mama Susan Co, dahil gusto niya talagang maging lucky tayo, Salve and Gorgy.

Napakabait ng management ng supermarket na ito na lagi na ay mga customer ang nasa isip. Ewan ko ba kung bakit iniintriga pa eh ang dali naman kausapin. Basta kung may complaints pumunta lang sa customer service, huwag overacting na gusto ng publicity.

Lahat ng bagaay naaayos.

Kaya paghandaan natin ang Chinese New Year.

Year of the rabbit ang 2023 kaya ang dami ring tiyak na mag-aalaga ng rabbit.

Sa Jan. 22 ang Chinese New Year kaya tiyak masaya ang paligid sa Binondo dahil doon maraming Chinese.

Sa ganitong panahon ko rin naaalala si Mother Lily Monteverde.

Talagang malaking event noon sa Regal Films ang ganitong panahon. Mag-iimbita si Mother Lily ng mga kaibigang press habang maraming pagkain at may Dragon Parade.

‘Pag malapit na ang uwian, mamimigay na ‘yun ng ampao o red envelope na magi­ging pampasuwerte ng mga binibigyan.

Talagang ang saya-saya ng Chinese New Year noon sa Regal. Isang malaking selebrasyon.

Matagal ko nang hindi nakikita si Mother Lily. Kumusta na kaya siya?

Happy Chinese New Year!

 

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with