^

PSN Showbiz

Nanette, reyna ng kasimplehan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasa USA ngayon si Nanette Medved Po para dalawin ang anak na doon nag-aaral doon na mukhang matinee idol talaga.

At alam n’yo mo bang up to now amazed na amazed pa rin ako kay Nanette.

Hindi ko talaga maisip na meron palang babaeng hindi mahilig sa jewelry at bags.

Can you imagine na isang very small diamond stud earrings lang ang suot niya, wedding ring at ang relos na Apple watch.

Madalas nga raw sabihin ni Chris Po sa kanya na baka akalain ng tao na hindi siya binibili nito ng mga gamit kaya ganun. At akala nga raw ng mother-in-law niya ayaw niya ang mga regalo nitong alahas sa kanya na usually ibinibigay ‘pag may special occasion.

Talaga nga siguro na may mga babae na hindi hilig ang maraming alahas at signature bags. Kaya nga ‘pag nakita mo si Nanette at todo alahas at bag ka, medyo mahihiya ka. Dahil alam mo ang level ng mga Po, at bilang member na si Nanette ng pamilya, aasahan mo na sana tadtad ito ng alahas, bitbit ang latest na signature bag, at imported from head to toe.

Pero kanya-kanya naman talaga ng hilig ang mga babae.

‘Thank you...’

Na-excite ang mga doktor ko sa FEU nang malaman nilang sinusulat ko sila rito sa column ko sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Talagang hinihingan nila ako ng kopya pero hindi ko na makita.

Kaya sinulat ko ulit at nag-text ako kay Salve na gamitin ang pictures nina Dr. Mora at Dra. Nemma Evangelista na kasama ako.

Kaloka talaga na hindi ko naibigay ang kopya kay Dr. Mora kaya nahihiya ako dahil proud na proud siya na nalagay sa PSN at PM ang kanyang photo.

Siyempre ang babait nila sa akin at parang VIP treatment uli ako sa kanila kaya sinulat ko ulit.

Feel na feel ko na love nila ako kaya love na love ko rin sila.

Mga competent professional doctors na talagang magiging kampante ka sa mga kamay nila.

Naku, Salve, tiyakin mo na ilabas ang photos nila para lalo nila akong mahalin, hah hah. I love my doctors.

vuukle comment

NANETTE MEDVED PO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with