^

PSN Showbiz

Mutya at Zaijian, bagong love team

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mutya at Zaijian, bagong love team
Mutya Orquia

Masayang-masaya si Mutya Orquia dahil napabilang sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Matagal-tagal ding hindi nakapagtrabaho ang dating child star. Gina­gampanan ng aktres ang karakter ni Tricia na kaklase ni Ding na ginagampanan naman ni Zaijian Jaranilla. Ayon kay Mutya ay malaki ang naitutulong sa kanya ng aktor ngayon pagdating sa trabaho. “Mas naging vocal din ako sa mga naiisip ko pagdating sa character. Kasi super talaga siya, like magsasalita talaga siya if may suggestion siya. Ako kasi takot ako eh, parang nahihiya ako. Since naninibago po ako sa production, sa mga kasama, mas napadali kasi nakikipag-communicate siya. Magbibigay siya ng advice din,” kwento ni Mutya.

Mula pagkabata ay nagkakatrabaho na sina Mutya at Zaijian. Sa muling pagsasama ng dalawa sa naturang proyekto ay maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung posibleng umusbong ang bagong tambalan. “Siguro titingnan na lang natin. Ipapakita natin sa mga tao kung ano magiging path nina Ding and Tricia,” nakangiting pahayag ni Zaijian.

Palagi raw nakahandang tumulong ang aktor lalo na kay Mutya na ngayon lamang ulit nakapagtrabaho. “Siyempre parang lock-in taping naman kami, ‘di ba. So kailangan n’yo mag-usap kung paano i-workout ‘yung characters,” giit ng aktor.

Pooh, hinahanap-hanap pa rin si Chokoleit

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Pooh nang maalala ang kaibigang si Chokoleit na pumanaw noong 2019. Matatandaang atake sa puso ang ikinamatay ng komedyante. May mga pagkakataong hinahanap-hanap daw ni Pooh ang yumaong kaibigan. “Ang dami kong gustong isumbong kay Chokie. ‘Yung gusto kong pagalitan niya ako, ‘Hoy! Bakla!’ Kasi gano’n ‘yon dati eh. Nami-miss ko si Chokoleit, sobrang na-miss ko. Pero hindi para sumunod ako sa kanya,” natatawang pahayag ni Pooh.

“Nami-miss ko siya kasi si Chokie ‘yung, ‘Ang arte-arte mo hindi ka naman masyadong maganda. Huwag ka ngang iiyak-iyak diyan.’ Kasi minsan bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety. Hindi ko alam kung anong gagawin ko and si Chokie lang ang gusto kong mapagsumbungan. Nakikipag-usap ako sa kanya pero hindi naman siya sumagot at ayoko siyang sumagot. ‘yung parang siya lang ‘yung nasusumbungan ko ng totoo kasi siya ‘yung laging nagsasabi ng totoo,” naluluhang paglalahad ng komedyante.

Bago pa man na­ging matalik na magkaibigan ay nagkaaway muna raw noon sina Pooh at Chokoleit. “Matagal kaming magkaaway niyan. Nagkaroon daw siya ng insecurity sa akin dati. Kasi si Chokie ‘yan eh, so pumasok ako eh. Nainis siya, nainggit siya. Sinabi niya sa akin ‘yon. Sabi ko, ‘Bakla ka hindi tayo magkaaway. Magkakampi tayo, magtulungan tayo ngayon.’ Simula no’ng nagkaroon kami ng grupo nina K (Brosas), do’n na-develop, do’n na-enhance ‘yung friendship namin,” pagtatapos ni Pooh. (Reports from JCC)

vuukle comment

MUTYA ORQUIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with