^

PSN Showbiz

Magandang Dilag ni Herlene, tinapon ang mga nakunang eksena!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Magandang Dilag ni Herlene, tinapon ang mga nakunang eksena!
Herlene
STAR/ File

Prosthetics ‘di pumasa sa mga bossing...  

Naka-isang araw pa lang na taping ang bagong afternoon drama na Magandang Dilag starring Herlene Budol, nagkasundo agad sila ni Sandy Andolong na gumaganap na kanyang ina.

Nagustuhan ni Sandy ang come­dienne/ beauty queen dahil totoong-totoo raw ito at walang pretensyon.

Sayang lang at hindi na nasundan ang unang taping day nila dahil hindi inaprubahan ng mga boss ang prosthe­tics nito.

Hindi lang idinetalye sa amin kung bakit may prosthetics, pero may mga babaguhin kaya nasayang lang ang mga nakunan dahil itinapon na ‘yun.

Hindi na sila nakapag-taping ulit dahil naghahanda na si Herlene para sa sasalihan niyang Miss Planet International sa Uganda.

Sa Nov. 19 na ‘yun, kaya pagkatapos pa nito sila magri-resume ng taping.

Kasama rin sa seryeng ito si Adrian Alandy na first time pa lang daw niyang makatrabaho si Herlene.

Derrick at Elle, nag-a-ily kahit wala pang label

Lalo pang pinapalakas ngayon ang afternoon prime ng GMA 7 dahil matataas ang rating nito.

Isang linggo na lang matatapos na ang Return to Paradise na pinagtambalan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Mahalaga sa kanilang dalawa ang seryeng ito dahil dito nila nakilala ang isa’t isa.

Inaalagaan daw nila ang blossoming friendship nila, at bahala na raw kung mapupunta sa magandang relasyon ang closeness nila.

Close friends pa lang daw sila, pero nag-a-‘I love you’ na sila sa isa’t-isa dahil ramdam naman daw nilang mahal nila ang isa’t-isa.

Ani Derrick: “Sobrang special talaga sa akin si Elle e. Pero ‘yung relationship kasi namin wala kaming label na ganito kami. Pero ‘yung napi-feel namin towards each other, at least ako love ko talaga siya. At lagi ko namang sinasabi sa kanya like randomly sabihin ko sa kanya ‘love you’ ganyan, kasi love ko talaga siya.

“Nagla-love you din siya sa akin. Hindi naman ibig sabihin na boyfriend girlfriend kayo.

“Talagang ‘yun ang napi-feel mo, mahal mo talaga ‘yung tao. Special siya sa yo. You care about that person. Marami namang kinds of love ‘di ba?”

Pero gusto ba niyang maging girlfriend si Elle?

“Kung bibigyan ako ng chance. ‘Pag ready na kaming dalawa. Kabi-break ko lang din naman e. Several months ago, so siyempre alam mo ‘yun… parang gusto ko muna ng time sa sarili ko rin, saka gusto ko lang din mag-focus sa work,” sabi pa ni Derrick.

Sabi naman ni Elle: “Na-overwhelm ako nung una. Na-appreciate ko siya, kasi he’s just super gentleman with me. All I ever asked from him is to be transparent and huwag ako lolokohin o bobolahin. Basta everything, sa work, sa personal life kung ano mang pambobola na ginagawa niya. Basta huwag ako.

“Sabi ko just be genuine with me and then we’re gonna have a very harmonious relationship.”

Pagkatapos ng Return to Paradise, balak nina Derrick at Elle na magbakasyon sa Siargao.

Pareho silang mahilig mag-beach, kaya na-enjoy nila ang taping nila sa Quezon.

Karen, nilantad ang takot kay Korina

Pagkatapos ng cool na cool na interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Sen. Loren Legarda sa Korina Interviews, exciting din ang interview niya kay Karen Davila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong ma-interview ni Korina si Karen pagkatapos silang maintriga noon.

Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straightforward’ na mga pahayag at tanong. Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon. Kaya ang unang pasabog na tanong ni Korina kay Karen: “Bakit sa tingin mo pinag-aaway nila tayo?”

Pero masaya ang kanilang tsikahan, at may pagkakataong napaluha pa si Karen.

Kaya excited si Korina sa episode na ito na mapapanood na ngayong alas-singko ng hapon sa Net 25.

vuukle comment

HARLENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with