^

PSN Showbiz

Tali, may dalang happy energy sa EB

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tali, may dalang happy energy sa EB
TVJ and Coney
STAR/ File

Ang cute ni Tali sa Eat Bulaga kahapon. Panay ang sayaw niya.

Nagbigay ng ibang saya si Tali sa EB na nag-celebrate ng kanilang 43rd anniversary kaya’t kumpleto sina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon at kasama si Coney Reyes.

Nag-upload pa si Joey ng then and now na kasama ng TVJ si Coney.

Kahapon din ay kinongratulate si Maine Mendoza ng Dabarkads sa kanyang engagement kay Cong. Arjo Atayde. “ Ang Daddy’s Gurl ko magle-level up na ang love. Engaged na. Congratulations!,” say ni Bossing Vic Sotto.

Si Alden Richards naman ay wala nang paramdam sa EB kaya ang joke sa kanya, nasaan si Alden?

Kasama ang tambalan nina Alden and Maine sa mga sumikat sa programa nang pumutok sa Kalyeserye noong 2015 ang kanilang AlDub team-up.

Maraming umasa noon na magiging sina Alden at Maine sa totoong buhay.

Pero engaged na ngayon si Maine kay Arjo Atayde. At memorable sa kanila ang July 28 - July 28, 2013 nang mag-post si Maine ng ‘Arjo cutie.’

July 28, 2018 silang nagkakilala at

July 28, 2022 sila na-engaged.

Gustuhin man ngayon ng AlDub fans na umasa kina Alden at Maine ay wala nang pag-asa.

vuukle comment

TALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with