^

PSN Showbiz

Super bongga... sasakyan ng road trip nila Marian, worth P13 million

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Super bongga... sasakyan ng road trip nila Marian, worth P13 million

Winner ang road trip ng Dantes Family sa Pampanga last weekend.

Pinasyalan nga nila ang isang native restaurant sa Pampanga na parang ang sarap ng mga pagkain.

Bukod sa buong pamilya, kasama nila sa nasabing trip ang mga kasambahay base sa mga post ni Marian,

Pero ang pinaka-bongga sa lahat, ang ginamit nilang kotse sa road trip.

Napansin ng ibang followers ni Marian sa isang short video ang Lamborghini Urus habang kinukunan nila ang billboard ni Marian sa North Expressway for Beautederm.

Ayon sa website ng Lamborghini Urus - “Lamborghini Urus is the first Super Sport Utility Vehicle in the world to merge the soul of a super sports car with the functionality of an SUV.”

At ang presyo nito sa Philippine market ayon sa Google, P13 million.

Ganda siguro ng ride nito, walang galaw.

Pero tiyak magastos din ito sa gasolina.

Family goal talaga ang Dantes family na every weekend ay nagba-bonding.

By the way, umaaray ngayon ang karamihan sa sobrang mahal ng gasolina na nakatakda na namang tumaas ngayong araw.

Parang ilang tulog na lang P100 na ata per liter ang gasoline nito. Grabe.

Aktres, hindi bumababa ng kotse ‘pag dumadaan sa bahay ng karelasyong aktor na hindi masyadong sikat

Uy hindi pala bumaba ng sasakyan ang actress na karelasyon ng aktor na hindi gaanong sikat.

Chika ng isa sa mga neighbor ng actor, everytime raw na sasama sa actor ang girlfriend na mas sikat sa kanya, sa kotse lang ito naghihintay.

As in dedma ito at andun lang. As if daw takot na takot ang actress na pagkaguluhan ng mga kapitbahay ng karelasyon.

Kahit daw ngayong lantad na ang relasyon nila ng actor, ‘di pa rin daw nakikita ang actress sa lugar ng actor.

 

vuukle comment

DANTES FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with