^

PSN Showbiz

Kathryn, walang interes na manalong best actress

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, walang interes na manalong best actress
Kathryn Bernardo
STAR/File

Nominado si Kathryn Bernardo sa Best Actress Award para sa pelikulang A Very Good Girl sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS awards night na gaganapin sa May 26. Makakatunggali ng dalaga sa naturang award sina Maricel Soriano para sa In His Mother’s Eyes, Charlie Dizon para sa Third World Romance, Marian Rivera para sa Rewind, Sharon Cuneta para sa Family of Two at Eugene Domingo para sa Becky & Badette.

Nominado rin si Kathryn sa Best Actress Award para sa naturang pelikula nila ni Dolly de Leon sa gaganaping 47th Gawad Urian sa June 8. Sina Gabby Padilla para sa Gitling, Max Eigenmann para sa Raging Grace at Charlie Dizon para sa Third World Romance naman ang makakatunggali ni Kathryn sa Gawad Urian.

Masayang-masaya ang aktres dahil sa nakuhang nominasyon para sa pelikulang pinagbidahan nila ni Dolly. “I’m super grateful. Actually, no’ng nakita ko ‘yung nomination, hindi pa siya nag-sink in sa akin until the producer messaged me. Then do’n lang slowly nag-sink in sa akin and that’s a first for me,” nakangiting pahayag ni Kathryn sa ABS-CBN News.

Hindi umano umaasa si Kathryn na masungkit ang Best Actress award. Para sa dalaga ay sapat na maging nominado para sa kanyang ginawang pelikula. “I’m not expecting anything. Actually, kahit nomination lang hindi ko ini-expect. So I’m just really grateful so win or lose, deserve din ng other nominees ‘yon,” giit ng dalaga.

Kamakailan ay pinarangalan naman bilang Box Office Queen si Kathryn sa ginanap na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Para sa aktres ay talagang makabuluhan ang A Very Good Girl at marami siyang natutunan mula sa pinagbidahang pelikula. “A project that’s always gonna be close to my heart because of what it represents. A brave material about powerful women. It’s about women who are not afraid to go after what they want, to fight what is right. Hanggang sa matapos naming i-film ito, ‘yung mga lessons na iniwan sa akin nito, I will be bringing them to my heart and to my life,” pahayag ng aktres sa kanyang acceptance speech.

Paolo, what you see is what you get kay Yen

Matagal nang usap-usapan ang tungkol sa relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.

Sa ngayon ay ayaw nang magbahagi ni Paolo sa publiko kung ano ang namamagitan sa kanila ng aktres. “No comment, libre namang magtanong. Pero ‘yon ang sagot ko, no comment,” bungad ni Paolo.

Para sa aktor ay mabuti nang maging pribado na lamang ang tungkol sa kanyang personal na buhay.

Matatandaang nilinaw ni Paolo noong isang taon sa amin na hindi nagpang-abot o nagkasabay ang relasyon nila ng dating kasintahan na si LJ Reyes at ni Yen. “Sa amin kasi kumbaga what you see is what you get naman eh. ‘Di naman namin pwede ipilit ‘yung tao to be happy for us, ‘di naman namin pwedeng ipilit ‘yung mga tao na paniwalaan ‘yung gusto nilang paniwalaan. Sana lang isipin nila na kung ano lang ‘yung nakikita nilang naka-post (sa social media), ‘yon lang ‘yung truth na alam nila,” makahulugang pahayag ng aktor noon. (Reports from JCC)

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with