^

PSN Showbiz

Solenn, parang hindi naoperahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Solenn, parang hindi naoperahan
Solenn Heussaff
STAR/File

Sinulit ng aktres na si Solenn Heussaff ang summer nang magpunta siya sa Boracay kasama ang mga anak na sina Thylane at Maëlys.

Ibinahagi niya ang last minute trip nilang mag-iina kasama ang kaibigan.

Makikita ang mga litrato nilang tatlo na nasa beach at enjoy ang mga bagets sa paglalaro sa buhangin.

“Last min beach trip to Boracay with my girls,” caption ng misis ni Nico Bolzico.

Hindi nagpahuli sa kaseksihan si Solenn dahil makikita ang litrato niya suot ang colorful two-piece swimsuit at kita ang toned body niya.

Kinaaliwan naman ang komento ni Nico na limang araw lamang daw siyang umalis pero limang taon nang lumaki ang mga anak niya.

Pero napansin ng netizens na walang bakas ng caesarean section si Solenn at kahit anong hanap nila sa mga litrato nito habang naka-swimsuit ay wala talaga.

Ayon naman sa ibang netizens ay ganon na raw ngayon, natatakpan ng panty.

Ni hindi nga raw halatang nanganak na ito.

Bong, napilitang magpahinga

Talagang patanda na ako. Excited man ako sa birthday ko talagang iyon katawan ko bumibigay na, hah hah.

Kung minsan parang ayaw mo nang tumayo mula sa higaan dahil parang hindi mo na kaya. Pero talaga lang matigas ang ulo ko kaya sige lang.

Naawa nga ako kay Bong Revilla na talagang siguro inip na inip sa kanyang medical rest dahil sa nangyari sa kanyang paa.

Napaka-energetic pa naman ni Bong at sobrang excited sa trabaho niya sa Senate.

Lalo na ‘yung paglilibot sa mga probinsiya para mas makita pa mga problema ng tao.

Mabuti na lang naumpisahan na niya ang paggawa nito noon pa man kaya itutuloy na lang paggaling niya.

Isa pa naman si Bong sa hindi mapakali ‘pag walang ginagawa dahil nga talagang gusto niya lagi siyang physically at mentally alert. Kaya tiyak na parang parusa para sa kanya ang medical rest na ginagawa niya sa ngayon.

Tiyak na laging busy ang phone niya sa katatawag sa mga tao niya para mag-check ng lahat ng nangyayari.

Hay naku, kung minsan talagang binibigyan ka ng oras para magpahinga kahit pa nga ayaw mo. Bongga.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with