^

PSN Showbiz

Mga producer, nagkukumahog sa MMFF!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Nagkumahog ang producers para mag-submit ng mga letter of intent for the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa mga susunod na araw, malalaman natin ang eksaktong bilang ng prospective hopefuls, ilang productions at co-productions ang sasali.

Ang tanong – tuwing MMFF na lang ba magi­ging buhay ang karamihan sa ating film workers at audiences?

Sana lagi.

Niño, ninegosyo ang trophy

Nauuso ngayon ang pagbebenta ng prized possessions tulad ng FAMAS trophy ni Niño Muhlach for P500K.

Ang tanong, bakit kinailangan ni Niño na ibenta ito?

Nagiging praktikal ba siya sa ganitong halaga?

May resale value ba talaga ang mga ganito?

Pagkatapos ni Niño, sino pa kaya ang ibang artistang susunod sa ganitong gawi?

Paolo at John, lumalaban ba sa takilya?!

Showing na ang Fuchsia Libre ng MavX nina John Arcilla at Paolo Contis.

At habang hindi matatawaran ang galing ng dalawang aktor, inisip ba talagang may chance ito sa box office kumpara kung ni-Netflix o ibang streaming device na ito agad?

In the first place, pumasa ba ito sa Netflix Originals ala A Journey?

Kumita ba ito sa kanyang first day sa takilya?

Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

Martin, sinagot ang Multi-Awarded Crossover Artist

Nagpost ang multi-awarded crossover artist na si Arman Ferrer ng pag­hanga sa mga idol niyang sina Martin Nievera at Basil Valdez sa ginanap na Gen C concert kamakailan which triggered people to ask, ano na ang nangyari sa dapat back-to-back concert nina Basil at Martin, kung saan magge-guest sana si Arman, bakit kaya hindi ito natuloy?

At ang ever generous na si Martin, sumagot pa sa post kay Arman ng – “Now you are our idol.”

Ang ganda lang talaga kapag nagsusuportahan ang OPM ar­tists, ‘di ba?

True Faith singer, pribado ang kasal sa schoolmate

Winner ang lead singer ng True Faith na si Medwin Marfil at nagpakasal sa kanyang boyfriend na si Mark Angeles sa isang pribado ceremony sa California, USA.

Ito bale ang unang pagkakataong nag-out si Medwin sa publiko pero alam naman na ito ng malalapit na kaibigan.

Tuluyan na bang mananatili si Medwin sa Amerika?

Paano na ang True Faith?

Si Mark Angeles ay based sa San Francisco, California and is working at the University of California San Francisco Parnassus Campus, as per his Facebook account.

Siya rin ay graduate ng Colegio de San Juan de Let­ran at Don Bosco Technical Institute Makati campus sa Pilipinas.

Ano kaya ang bagay na True Faith song sa kasal nina Medwin at Mark: Perfect, Take Me Away, Huwag Na Lang Kaya, or Kahit Na?

Nakakataquote:

“If you believe in your dream enough, then calibrate your thoughts. Have the right mindset where a ‘no’ doesn’t push you away but gives you a harder drive.” – Andrea Torres

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with