^

PSN Showbiz

Sylvia tuloy na sa pamamahinga sa pag-arte, pinaiyak si Ria sa ginawa sa Misis Piggy

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sylvia tuloy na sa pamamahinga sa pag-arte, pinaiyak si Ria sa ginawa sa Misis Piggy
Sylvia Sanchez.

Kahit pinipigilan ni Ria Atayde, naluha siya sa mga sinabi ng mommy Sylvia Sanchez niya sa media conference ng Misis Piggy the other day.

Na talagang aktres si Ria kung saan first time nilang nagkatrabaho sa isang tagos sa pusong serye para sa Mother’s Day na handog ng iWantTFC at mapapanood nang libre sa Pilipinas simula Abril 25, Lunes.

“Nakita ko ‘yung kapasidad ng anak ko. Hindi ko naman sasabihin na maga­ling siya kung ‘di siya magaling kasi ako ‘yung critic niya. From Day 1 pagpasok niya sa showbiz, nakita ko naman at confident ako na magagawa niya ng mahusay ang role niya,” pahayag ng mahusay na aktres na abala rin ngayon sa pangangampanya para kay Arjo Atayde na frontrunner sa labanan ng pagka-congressman sa District 1 ng Quezon City.

Bibigyang-pugay ng Misis Piggy ang lahat ng masigasig na ina na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak sa kabila ng lahat ng mga pagsubok sa buhay.

Tampok sa serye ang kwento ni Marivic (Sylvia), isang masugid at mapagmahal na single mom sa tatlong niyang anak na sina Lani (Ria), Steffi (Iana Bernardez), at Jeffrey (Elijah Canlas). Buong buhay ni Marivic ay mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagbebenta ng baboy sa palengke.

Walang ibang ninanais si Marivic kung ‘di laging makapiling ang kanyang mga anak ngunit unti-unting manganganib ang relasyon nila habang sila ay tumatanda. Ang panganay niyang si Lani ay gustong umasenso bilang nurse sa Canada, si Steffi ay isang guro na inalok ng scholarship sa Amerika, habang ang bunsong si Jeffrey ay balak mag-internship sa Australia para makapagtapos ng kolehiyo.

Lalo pang madudurog ang puso ni Marivic nang malaman niyang gustong makipag-ayos ng kanyang mga anak sa kanilang amang si Rupert (Ricky Davao) matapos silang layasan para sa ibang babae.

Maaayos pa kaya ni Marivic ang namumuong tampuhan sa mga anak niya? Magawa kayang patawarin ni Marivic si Rupert alang-alang sa kanilang pamilya?

Kaya naman sa virtual media conference pa lang nito last Thursday, parang gusto ko nang maiyak.

Anyway, ito ang first time ng mag-ina na magbibida sa isang acting project though nagkasama na sila sa teleseryeng Ningning pero walang masyadong eksena na magkasama sila.

Hindi naging madali ang dinaanan ni Ria bago talagang nagbida at kaeksena pa ang kanyang ina kung saan alam na alam na niya kung bakit lahat ay pinupuri ang acting ni Sylvia.

Bukod pa sa sinabi ni Sylvia na last project na niya ito at itutuloy na niya ang pamamahinga sa showbiz.

Ang Misis Piggy at libreng mapapanood at isang bagong episode ang ipapalabas araw-araw ng 8 p.m.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with