^

PSN Showbiz

Angelica, hinulaang babae ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dinisplay ni Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa mirror selfie nila ng partner niyang si Gregg Homan.

Maumbok na ang tiyan ng actress.

Pero maraming ang hula ay baby girl ang first baby nila.

Blooming at glowing daw kasi si Angelica.

Limang teen housemates, nominado para sa eviction

Umiinit na ang kumpetisyon sa loob ng bahay ni Kuya kung saan nominado para sa unang eviction night ng PBB Kumunity Season 10 Teen Edition sina Don Hilario, Kai Espenido, Rob Blackburn, Stef Draper, at Stephanie Jordan.

Nakakuha si Rob ng 11 na puntos na sinundan ni Don na may 6 na puntos. Sina Kai, Stef, at Stephanie naman ay pawang nakakuha ng tig 5 puntos. Isa sa kanila ang matutuldukan ang pagiging teen housemate sa Linggo (Abril 3).

Samantala, tinanghal naman na unang Head of Household si Maxine Trinidad kaya ligtas siya sa ginawang nominasyon, habang hindi ginamit ni Gabb Skribikin ang kanyang napa­nalunang immunity pass sa follower sprint sa Kumu. Pwede niya itong gamitin sa anumang punto ng kumpetisyon habang nasa loob siya ng bahay ni Kuya upang makaligtas sa nominasyon.

Sino kaya ang unang magpapaalam sa bahay ni Kuya? Kaninong kwento pa kaya ang magpapaantig sa viewers? Abangan sa PBB Kumunity Season 10 Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 p.m. ng gabi.

GMA Pinoy TV, ready na para sa balik-live concert sa Expo 2020 Dubai

All set na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim para sa Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai concert nila ngayong Miyerkules, March 30, 9:00 ng gabi.

Save the best for last nga ang GMA Pinoy TV dahil gaganapin ang pinakaunang comeback concert abroad nito sa The Dubai Millennium Amphitheatre sa Dubai Expo Grounds, isang araw bago ang enggrandeng pagtatapos ng pinakamalaking Expo sa mundo.

Bukod sa world-class performances na inihahanda ng Kapuso stars, makaka-collaborate rin nila ang ilang Pinoy performing groups. Sponsored naman ng Filipino fashion designer na si Ryan Pacioles of Atelier Zuhra ang mga kasuotan nina Julie, Jessica, at Xian!

Para naman sa mga Pinoy na nandito sa Pinas o sa ibang panig ng mundo, mapapanood din via livestream ang GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai!

vuukle comment

GREGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with