^

PSN Showbiz

Aktor naghahanap ng computation sa kasal...

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nanganak na nang nanganak ang mga kuwento tungkol sa napakaagang paghihiwalay ng isang showbiz couple. Dahil wala silang inilalabas na komento ay ibang tao na ang naglalabas ng iba-ibang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ang napupuruhan nang husto ay ang male personality, napakaraming istoryang lumalabas laban sa kanya, pero ang nakapagtataka ay hindi naman siya nag-aabalang ituwid ang mga ispekulasyon.

Kuwento ng aming source, “Meron pa ngang lumabas na kuwento na natuklasan kuno ng female personality na hindi naman babae ang kalaban niya sa husband niya! Lalaki raw.

“May naglabas kasi ng kuwento na bago pa sila naging magkarelasyon, e, may something na raw ang male personality at ang guy na kung ipakilala niya, e, childhood friend.

“Ang nakapagtataka naman, kung totoo ngang questionable ang gender ng guy, wala man lang bang naamuyan ang girl nu’ng mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila?

“Palagi ba siyang may sipon na wala man lang siyang naamoy sa totoong pagkatao ng karelasyon niya? Halos araw-araw silang magkasama, wala man lang naramdaman ang girl sa lalaki?

“Hindi kapani-paniwala ‘yun! Gawa-gawa na lang ‘yun ng mga nanggugulo sa relasyon nila! Ang tagal-tagal nilang naging magkarelasyon muna, pero ngayon lang mabubuking ng girl na lalaki rin ang kasalo niya sa pagmamahal ng male personality? Kalokohan ‘yun!” napakadiing pagkontra sa kuwento ng aming impormante.

Kung ang aming source ang tatanungin ay mas kapani-paniwala ang umusbong na kuwento tungkol sa perang pinag-awayan ng showbiz couple. ‘Yun daw ang tunay na pinag-argumentuhan nila.

“Makuwenta pala ang guy. Kailangang malinaw sa kanya kung saan-saan napunta ang amount na pinaghatian sa wedding. Du’n pala nag-umpisa ang hindi nila pagkakasundo.

“Kailangang itemized ang mga nagastos nila, dapat ipaliwanag ng girl kung ano ang kinapuntahan ng inilabas nilang amount. Ganu’n pala ang guy! Makuwenta siya, hindi gaya nu’ng girl na hindi masyadong matanong tungkol sa pera!

“Nauwi sa away ang kanilang pagtatalo, lumayas ang lalaki, nagpaka­layu-layo, ni hindi man lang tinatawagan ang girl. Ayun, sa sobrang galit, nag-post na ang girl ng cryptic message, binura na niya ang mga posts ng guy, tinanggal na rin niya ang mga photos nila nu’ng maliligayang araw nila!

“Pera lang pala ang dahilan? Napakababaw na reason nu’n, di ba naman? May mas malalim pa sigurong dahilan ang napakaaga nilang paghihiwalay,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Joey at Willie, nagkumustahan

Tinawagan ni Joey de Leon si Willie Revillame. Kinumusta siya ng kanyang idolo. Masaya si Willie dahil panahon nga naman ang isa sa pinakaimportanteng regalong maibibigay sa atin ng kahit sino.

Nu’ng kasagsagan ng Wowowee ni Willie sa ABS-CBN ay naging magkakontra-pelo sila ni Joey. Nu’n lumutang ang patutsada ni Joey na, “Obey, before you complain!”

Pero hindi ‘yun nagtagal, isang araw ay nagkasundo rin sila, mataas ang respeto ni Willie kay Joey na lantaran niyang itinuturing na idolo niya bukod kay Tito Dolphy.

Maraming nangungumusta ngayon kay Willie, ‘yun ang katangiang meron ang showbiz, sa panahong nagkakaroon ng pagbabago sa buhay at career ng kanilang kasamahan ay nagkukumustahan sila.

Ngayong hapon sa kanyang programang Wowowin-Tutok-To-Win magbibigay ng kanyang opisyal na pahayag si Willie. Mara­ming tanong at ispekulasyon ang kanyang lilinawin at ang pinakamahalaga ay gusto niyang pasalamatan ang GMA-7 sa halos pitong taon na pagsuporta at pagmamahal sa kanya.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang support na ibinigay sa akin ng GMA-7. Napakasarap nilang magmahal. Lahat ng mga executives ng network, parang kapantay mo lang sila, walang wall sa pagitan n’yo.

“Wala akong masasabi kundi thank you so much. Salamat dahil naintindihan nila kung bakit hindi na ako pumirma ng kontrata. Salamat dahil bukas ang puso nila sa pang-unawa.

“Nagkapalitan kami ng sulat ni Sir Felipe Gozon, du’n n’yo makikita na wala talaga kaming pinagkadiprensiyahan ng network. Walang bad blood,” pahayag ni Willie.

Pagkatapos niya sa Wowowin ay plano niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa ating mga kababayan. ‘Yun ang dahilan kung bakit gabing-gabi na siyang nakakatulog. Inaalala niya ang mga kababayan natin ngayong panahon ng pandemya na kahit paano’y napagagaan niya ang mga dinadalang problema.

“Wala akong masyadong alam sa technology, ang staff ko ang gagawa ng paraan kung paano pa rin ako makatutulong sa mga kababayan natin.

“Sabi nila, maraming paraan. May YouTube, may Facebook, sila na raw ang bahala. Basta ang mahalaga, wala mang TV, magkakaroon pa rin ako ng paraan para maipagpatuloy ko ang pagbibigay ng ayuda sa kanila,” sinserong pahayag ni Willie Revillame.

vuukle comment

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with