^

PSN Showbiz

Maris: ‘Sex is normal!’

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris: �Sex is normal!�
Maris
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumanggap si Maris Racal ng isang mapangahas na role.

Kabilang ang aktres sa seryeng The Kangks Show na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban. Napapanood na ito ngayon sa pamamagitan ng WeTV. “First time kong tumanggap ng role na ganito, sobrang tapang. Pinag-uusapan ‘yung sex in general. Para sa akin napa-self check ako na, I think it’s about time na mag-take ako ng one step forward regarding sa mga role na gaganapan ko,” pahayag ni Maris.

Ginagampanan ng aktres sa naturang serye ang karakter ni Cassandra na isang social media personality. “Siya ‘yung tipo ng tao na makikita mo kung saan-saan sa internet. Ang pangarap niyang maging co-host si Doc Kara Teo na ginagampanan ni Ms. Angelica Panganiban. Ang mapupulot nila rito, ang ganda tingnan kapag lahat ng babae ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa. Number two, sex is normal,” paglalahad ng dalaga.

Enzo at Michelle, napag- uusapan na ang kasal

Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Michelle Vito at Enzo Pineda. Nakikita na raw ng aktor na si Michelle ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “We do talk about it. Pero right now, as of the moment, I think we’re focused on our careers. To be honest, ako I don’t mind. I don’t mind taking it to another level. Pero of course right now, Michelle is still young. She has a lot of dreams to achieve. Marami siyang gustong gawin besides acting. She also wants to study again. I don’t know if she wants to join a beauty pageant. Pero nandito lang lagi ako to support her in all of her dreams,” makahulugang pahayag ni Enzo.

Tatlumpu’t isang taong gulang na ngayon si Enzo habang si Michelle naman ay 24 na taong gulang pa lamang. Para sa binata ay nakahanda siyang hintayin na matupad muna ang mga pinapangarap ni Michelle. “Basta ako, nandito lang ako palagi para sa kanya. Mararamdaman naman naming dalawa kung ready na to take it to another level. But of course, siyempre the thought is there. Hindi naman kami magkakaroon ng relationship together if we don’t think of it as something long term. Siyempre nakikita ko na siya in the future,” giit ng aktor.

Ayon kay Enzo ay talagang malaki na rin ang kanyang ipinagbago mula nang nakarelasyon si Michelle. “Si Michelle talaga is one of the big reasons why I strive to become a better person every day, holistically. Because of her, I feel ang laki ng pinagbago ko. She’s been encouraging me to have more faith, with my relationship to God, how I am to my family, to other people,” pagtatapat ni Enzo. (Reports from JCC)

vuukle comment

ENZO

MARIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with