^

PSN Showbiz

Iza, expert nasa paghawak ng pera

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Iza, expert nasa paghawak ng pera
Iza
STAR/ File

Tulad ng kanyang role bilang unang Darna sa pinakaaabangang fantaserye ni Mars Ravelo, ang magaling at award-winning actress na si Iza Calzado ay isang empowered woman.

Naniniwala kasi siyang mahalagang magkaroon ng boses ang mga kababaihan hindi lang sa tahanan kundi pati na sa lipunan.

Bilang InLife Sheroe, pinaninindigan din niya na kaya ng mga kababaihan na maging financially empowered. “Importante na ma-empower ang mga kababaihan at lahat ng tao sa financial literacy. I’ve made a lot of mistakes in the way I handled my money through the years, and I’m still learning. That’s why I think Pinays should talk about money without that shame,” pahayag niya sa InLife Sheroes #InAko event na mapapanood sa InLife’s Facebook page.

Ayon kay Iza, praktikal na pag-usapan ang tungkol sa tamang paghawak ng pananalapi lalo na sa panahong ito.

Kasama ang mompreneur at blogger na si Shari Poquiz, health advocate Dr. Gia Sison, actress at  songwriter Abby Asistio, ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa pagiging financially independent sa isang online event na hatid ng Insular Life na ini-host ni DJ Chacha.

Pahayag naman ng InLife Financial Advisor Julianne Benitez, importanteng paghandaan ng mga kababaihan ang pinansiyal na aspeto ng kanilang kinabukasan para maharap nila ang mga hamon ng buhay.

“When we launched InLife Sheroes in 2019, our initial ambition was to touch the lives of one million Filipino women within three years,” ayon kay InLife Executive Chairperson Nina D. Aguas. “Now that we have successfully touched their lives, it is time to go deeper, to fully explore this engagement so that their financial know­ledge will lead to actual financial empowerment,” dugtong niya.

Kaugnay ng usapin sa financial literacy, inilunsad din sa #InAko online event ang music video na Be A Shero. Nilikha ni Abby, ang awitin ay isang panawagan para hikayatin ang mga kababaihan na makianib sa movement for financial transformation.

Inilunsad noong 2020, bilang kabalikat, nami­migay din ang Insular Life ng libreng insurance with COVID coverage para sa 110,000 essential workers.

vuukle comment

MARS RAVELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with