^

PSN Showbiz

Female personality, naunsyami sa scoop!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kasabihan na matalino man ang matsing ay napaglalamangan din. Para sa mga miron ay ganu’n mismo ang nangyari sa isang female personality na naunahan sa kanyang plano.

Puro halakhakan ang maririnig sa isang virtual kuwentuhan. Pinagpipistahan kasi ng grupo ang nangyari sa female personality. Heto ang istorya.

Unang hirit ng aming source, “Di ba, anumang nangyayari sa buhay niya, e, hindi naman isine-share ng female personality na ‘yun nang basta-basta?

“Wala siyang sinasabi, hindi siya nagpapa-interview, kasi nga, e, kailangang sa kanya mismo ‘yun malaman ng lahat. Kailangang siya mismo ang magsasabi.

“Maraming pangyayari sa buhay niya ang inilihim talaga niya at ng family niya. Walang alam ang mga reporters, walang alam ang mga fans niya!

“Kasi nga, e, kailangan niyang ipaalam ‘yun sa personal niyang paraan. Kailangang sa vlog niya ‘yun lumabas, kasi nga, malaki ang kinikita niya du’n!” mahabang pasakalye ng aming impormante.

Kaso, naunahan siya sa kanyang planong gawing materyal sa vlog niya ang isang maselang scenario, may naglabas ng kuwento.

Natatawang patuloy ng aming source, “O, di ba naman? Naunahan siya! Ayaw niya ng ganu’n, napurnada kasi ang content niya dapat sa vlog niya!

“E, wala namang intensiyon ang nakauna sa kanya, wala lang, nagkuwento lang siya ng mga pangyayari. Hindi niya planong unahan ang female personality sa raket niya!

“’Yun ang ikinaiinis ngayon ng female personality pati ng family niya. Nganga sila, kasi nga, hindi sinasadyang naunahan sila ng isang showbiz personality na maganda naman ang hangarin sa sinulat niya.

“Wala namang wish ang taong ‘yun kundi makagaganda sa buhay ng female personality, hindi rin naman siya nakikipag-unahang maka-scoop, pakialam ba niya sa ganu’n?

“Nakakaloka! Naisahan sila nu’ng showbiz perso­nality nang walang kaplanu-plano! Sabi siguro nu’ng female personality, scoop na, naging bato pa!” humahalakhak na komento pa ng aming impormante.

Ubos!

Aj, nag-sorry kay Kylie, pinagtanggol ang sarili!

Oo nga. Tama ang obserbasyon ng mga nakakuwentuhan namin na dahil sa pan­demya ay nagiging malaking isyu ang mga kuwentong kinasasangkutan ng mga hindi naman super-sikat na personalidad.

Nauna na ang sinasabing relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos na sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay ng aktor at ni LJ Reyes.

Ilang linggong naging laman ng mga pahayagan at social media ang isyu, sa kanilang panahon ipinanganak ang mga “Maritess” (tsismosa), dahil ang mga ito ang nag-iimbestiga tungkol sa senaryo.

Sinundan ‘yun ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kung sinu-sinong personalidad ang itinuturong third party sa kanilang hiwalayan, hanggang sa naglabas na ng kanyang opisyal na pahayag si Aljur na tunay namang matapang at mapaghamon.

Nililigawan ni Aljur ang anak ng action star na si Jeric Raval, ayon kay Kylie ay ayos lang ‘yun, tutal naman ay may usapan na sila ni Aljur na puwede na silang makipag-date pareho dahil matagal na silang hiwalay.

Isang araw pagkatapos lumabas ang matapang na pahayag ni Aljur ay nagbukas naman ng saloobin ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, nagpapasalamat ito dahil hindi raw sila pinabayaan ni Aljur.

Ang salitang ‘yun ay nag-ugat sa todo-todong pamba-bash sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mag-ina, tinatawag na sawsawerang kabit si AJ.

Napakasakit nga naman ng pinagdadaanan nila, at natural lang na sinasabi nila kay Aljur ang mga nagaganap, kaya nagpasalamat ang ina ni AJ.

Kahanga-hanga naman si AJ Raval sa napanood naming panghihingi niya ng paumanhin sa mga nasaktan nito nang i-share ang matapang na pahayag ni Aljur. Tinanggap ni AJ ang kanyang pagkakamali.

Maging kay Kylie ay nag-sorry si AJ na nadala lang daw ng kanyang emosyon dahil bugbog na bugbog na silang mag-ina sa mga akusasyon sa kanila ng mga bashers.

“Ipinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko, pero hindi nga lang siguro naging maganda ang ginawa kong paraan, kaya humihingi po ako ng sorry sa lahat ng mga nasaktan ko. I’m really sorry po,” sinserong pahayag ni AJ.

Maganda ang pagpapalaki nina Jeric at Alyssa kay AJ. Para agarang humingi ng paumanhin ang dalaga sa kanyang ginawa na hindi nagustuhan ng marami ay isang markadong magandang ugali.

Sabi nga, marunong lang tayong mahiya ay tao na tayong matatawag, ‘yun mismo ang dahilan kung bakit mabilis na humingi ng dispensa si AJ sa walang malisya nitong ginawa.

At maganda si AJ Raval, matapang ang dalaga sa pagharap sa katotohanan, hindi na nakapagtataka kung bakit nakuha nito ang atensiyon ni Aljur Abrenica.

=

vuukle comment

AJ

ALYSSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with