^

PSN Showbiz

Mga tauhan ng sikat na personalidad, gutom pa rin ang dinaranas!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang paglutang ng mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa isang sikat na male personality. Sunud-sunod ang paglabas ng mga istorya ng pagrereklamo, malaki man o maliit na halaga ang sangkot, makakalimutin nga ba ang sikat na lalaking personalidad?

Ilang taon na ang nakararaan ay may nagsabi sa male personality na dahil sikat na sikat na nga siya ay kailangang meron na siyang sariling mundo. Hindi na niya kailangang sumuporta sa ibang asosasyon dahil kayang-kaya niya namang magbuo at magtayo ng sariling kanya.

Kuwento ng aming source, “Natural, nakinig naman siya sa suggestion ng mga taong nakapalibot sa kanya! Nagtayo siya ng sarili niyang paliga, kumuha siya ng mga staff at crew para sa coverage ng kanyang paliga.

“Pero ilang buwan pa lang, e, hindi na sumusuweldo ang staff niya, pati ang mga cameramen na hinugot niya sa isang network, hindi na rin sumasahod!

“Puro pangako lang ang tinatanggap nila, pero palagi namang pangako lang, walang suweldong dumarating sa kanila,” simula ng aming impormante.

Nagmamakaawa na ang mga staff ng sikat na male personality, ‘yun lang kasi ang kanilang inaasahan, nagugutom na ang kanilang mga pamilya.

Patuloy ng aming source, “Nakakapagtaka kasi na parang wala nang nagpapaalala sa male personality ng mga obligasyon niya. Hindi alam ng kahit sino kung sino ang point person niya para mag-asikaso sa mga nakakaligtaang obligasyon ng male personality.

“Hindi pa pandemya nu’n, ha? Wala na silang suweldo, kung kailan sila pasasahurin, kahit siguro si Batman, e, walang nakakaalam! Ganu’n katindi ang inabot ng mga tauhan niya, lalo na ang maliliit niyang manggagawa, na walang ibang inaasahan kundi ang suweldo mula sa kanya!

“Minsan, e, nakita ang sikat na male personality na namamahagi ng datung sa lugar na pinuntahan niya. One thousand pesos ang ibinibigay niya sa mga tagaroon.

“Ang tindi ng sama ng loob ng mga tauhan niyang hindi pa rin sumusuweldo! Nakapagbibigay siya ng pera sa iba, pero ang obligasyon niya sa mismong mga staff niya, e, wala pa rin!

“Haaay, naku! Maraming naghahabol sa kanya ngayon, nakakaloka, samantalang napakatayog ng pangarap ng male personality! Mukhang inaalat siya, baka magkatotoo ang sinabi ng isang dating kaibigan niya na magsasayang lang siya ng salapi sa inaambisyon niya!

“Abangan na lang natin kung ano ang magaganap sa ambisyon niya, maraming hadlang sa pangarap niyang suntok sa buwan!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kylie hinihintay ang paliwanag sa kumpirmasyon ni Aljur ng kanyang pangangaliwa

Kung isinalin sa Tagalog ni Aljur Abrenica ang kanyang pasabog tungkol sa kung sino sa kanila ni Kylie Padilla ang unang nangaliwa ay mas markado sana ‘yun sa publiko.

Hinahamon ni Aljur si Kylie na magpakatotoo, huwag nitong pinaliliguy-ligoy pa ang kuwento, umamin na raw sana si Kylie kung sino ang unang nanloko at totoong nangwasak sa kanilang pamilya.

Napakadiin din ng pahayag ni Aljur na aminin nito sa kanyang ama ang katotohanan at kung sino ang kasama nito ngayon. Siguradong-sigurado si Aljur sa ginagawa ni Kylie.

Nang magsalita pala si Robin Padilla tungkol sa kanilang hiwalayan ay hindi kumibo at sumagot si Aljur dahil meron silang usapan ni Kylie na walang magbibigay ng reaksiyon.

Pero ‘yun ang hindi na kinakaya pa ni Aljur ngayon, siya pa rin kasi ang sinisisi at inuupakan ng mga tagasuporta ni Kylie, samantalang alam na alam niya kung sino ang unang nanloko sa kanilang dalawa.

Kundi raw ‘yun kayang sabihin ni Kylie sa kanyang ama ay umamin na ito kahit para man lang sa kanilang mga anak, para matapos na ang problema.

“Kylie, tell them the truth, tell them who cheated first. Tell them why I gave up on you, tell them the truth, have the courage to settle this,” pakiusap pa ni Aljur kay Kylie.

Ang tanging sagot ni Kylie sa mga pahayag ni Aljur ay maigsi at simple lang, “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Ang buod ng mensahe ni Kylie ay binaligtad ni Aljur ang kuwento. Huwag daw maliitin ang kapasidad ng lalaki na iligaw ang pangyayari para ang babae ang ma-guilty o lumabas na may pagkakamali.

Sa buong istorya ng kanilang hiwalayan ay hindi nagbigay ng komento si Aljur, praying hands lang ang kanyang ipinost, pero may nakatago palang pasabog sa likod nu’n.

Ang bulto ng pagpapatunay ngayon ay nakay Kylie Padilla na. Pinaputok na ni Aljur ang kanyon, lumabas na ang pasabog, si Kylie na ang bahalang dumepensa sa matatalim na salita ng paghahamon ng ama ng kanyang mga anak.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with