^

PSN Showbiz

Kasal ni Charlie at China, star studded!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasal ni Charlie at China, star studded!
Charlie, China at Ruffa

Wow, star studded pala ang kasalan nina Tarlac Rep. Charlie Cojuangco at China Jocson na isang dating GMA 7 broadcast journalist, na ginanap noong Oktubre 10. Spotted nga sa bonggang kasalan sina Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, former actress Ana Roces, Gloria Diaz (na kapatid ng yumaong dating asawa ni Charlie na si Rio Diaz-Cojuangco).

Ginanap ang church wedding sa San Sebastian Cathedral sa Tarlac City na pinamunuan ni Bishop Macaraeg habang ang reception naman ay ginanap sa Kaisa Hall, Tarlac Plazuela.

Charlie at Dingdong

Kabilang umano sa 35 na VIP guests sa simbahan ay ang mga Tarlac Mayor, Provincial Board members at iba pang mga taga-LGU habang may 150 katao naman ang dumalo sa reception.

Mula sa business circle ay dumalo naman sina Ramon Ang, Tessie Sy Coson at Franciso Tiu Laurel.

Nagbigay naman umano ng speech ang kapatid ni Charlie na si Mark Cojuangco habang si Tessa Prieto Valdes ang tumayang event host.

Matatandaang unang kinasal ang dalawa sa Huwes noong Abril at bago nito ay nagkaroon sila ng tinatawag na “betrothal ceremony” noong Enero.

Si Charlie ay may dalawang anak sa yumaong si Rio Diaz-Cojuangco habang si China ay may isang dalagita na.

Kamakailan ay nag-file na ng kandidatura si Charlie bilang last term-Congressman sa first district ng Tarlac habang ang kanyang asawa ay nanumpa naman bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition party.

vuukle comment

CHARLIE COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with