^

PSN Showbiz

Iza, mauunang mag-Darna!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza, mauunang mag-Darna!
Iza
STAR/ File

In-announce na ni Ka-PEP Troika Noel Ferrer na magiging part nga ang alaga niyang si Iza Calzado sa Darna na pagbibidahan ni Jane de Leon. Magandang balita ito para kay Iza na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon.

Kaya sobrang tuwa niya na itinaon pa ang official announcement sa kanyang birthday celebration. “Naiyak ako! It’s one of the best birthday gifts! On different levels, nakakalift lang ng puso at spirits,” pakli ni Iza na ibinahagi sa amin ni Noel.

Siya kasi ang gaganap na original Darna na magpapasa ng power niya kay Jane. Si Liza Soberano ang original choice, pero ang dami nang nangyari. Nagpapasalamat na lang ang Kapamilya actress na matutuloy na rin ang pagiging super hero niya. “Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna. Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing. Being a hero during these challenging times is exciting and female one at that just means so much more. Of course I do recognize that with great power comes great responsibility. As cliche as it sounds, there is truth to this,” saad pa ni Iza.

Malamang na ang namayapa niyang amang si Tito Lito Calzado ang isa sa pinakamasaya dahil nakikita ko pa nun sa GMA 7, nung panahon pa nina Angel Locsin at Marian Rivera na inaasam din niyang ibigay kay Iza noon ang role na Darna.

Sana tuluy-tuloy na talaga ito, at maligayang kaarawan kay Iza.

John, ayaw ituring na kaaway si Derek

Inaasahang huhupa na ang isyu nina Derek Ramsay, Ellen Adarna at John Estrada dahil iniiwasan na nilang magsaita tungkol sa pinagpiyestahang isyu ng walkout, pati ang friendship nina Derek ay John. Ini-launch na ng engaged couple ang YouTube channel nilang Derek and Ellen na kung saan ipinost na nila ang birthday celebration ni Ellen at sinorpresa ito ng proposal ni Derek.

Mas gusto na lang daw nilang good vibes ang dala ng kanilang bagong YT channel. Ayaw na nilang pag-usapan pa ang kanegahan.

Si John naman ay consistent ang pag-iwas sa isyu nila ni Derek nang kulitin para hingan ng statement tungkol sa mga sinabi ni Derek na tapos na raw ang pagkakaibigan nila. “Alam mo naman ako, hindi talaga ako nagsasalita kapag may isyu di ba? May mga isyu naman ako nun, nagsasalita ba ako? Nagpapa-interview ba ako?” text nya sa akin nung una.

Tinawagan ko na rin siya at sinabi niya uling ayaw na niyang palakihin pa ang isyung kinasangkutan lalo na’t tungkol ito sa kanila ni Derek. “Basta para sa akin, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya,” pakli niya sa akin.

Nakakalungkot daw siyempre na naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Derek, pero iniisip na lang daw niya na nangyayari naman ito sa ibang magkaibigan. Nakita raw niya kung gaano kamahal ni Derek si Ellen. Kaya inuunawa na lang daw niya ang lahat na nangyayari. “I wish them well. Gusto ko naman Gorgs, masaya lang sila. Everybody happy!” sabi niya sa akin at pinapatigil na niya ako sa pagtatanong.

Ayaw din niyang sagutin pa ang tungkol sa isyung balak ni Ellen na i-complain ang buong production ng John en Ellen sa IATF dahil sa nilabag diumano na safety protocols. Haharapin naman daw nila ito kung sakaling may dumating na ganung complain. “Basta, ayoko nang lumaki pa ito.  I’d rather not say a word… Lest it be blown to unmanageable proportions.”

Sana nga tapos na ‘tong isyu nila, para humilom ang sugat at magkaayos na silang magkakaibigan.

Imbitado kaya si John sa wedding nina Derek at Ellen?

Jeric gagawa ng Indie, nagsalita sa relasyon nila ni Sheryl

Totoo ngang lalong dumarami ang fans at supporters ni Jeric Gonzales pagkatapos lumabas ang mga underwear pictorial niya sa Bench.

Nakakaloka ang comments sa social media na talagang may pagnanasa sa Kapuso hunk actor. Sa totoo lang, dahil nga sa pictorial na ‘yun, may isang independent producer na nagkainteres na ipag-produce siya.

Inamin sa amin ‘yan ni Jeric nang makatsikahan namin sa nakaraang virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko presents Captain Barbie.  “Nakakatulong talaga siya sa akin, ‘yung Bench. Nung lumabas yung second pictorial namin, which is naka-brief nga, ang dami talagang nag-react. Nagulat talaga sila.

“Pinaghandaan ko talaga siya during lockdown. Ilang buwan din akong nag-prepare for that pictorial. Pumayag ‘yung GMA kasi itong indie film na gagawin namin… konting ano lang po, kasama ko dito si direk Louie Ignacio na in-admire ko na director.  Sexy pero hindi  naman po totally na sobrang daring. ‘Yung story po oo. Hindi naman po tayo papayagan ng GMA kung sobrang daring eh.

Si Jeric ang isa leading men ni Barbie sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola ko na magsisimula na sa darating na Linggo.

vuukle comment

PEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with