^

PSN Showbiz

Ces balik-am radio!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ces balik-am radio!
Caz at Rep. Alfred
STAR/ File

Matapos ang hiwalayan kay Ricky Carandang

Uy balik-himpapawid na ang batikan at beteranang mamamahayag na si Ces Drilon, this time sa RMN-DZXL 558.

At may kasama na siya, si Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos sa programang Basta Promdi Lodi.

Mapapakinggan ito mula Lunes hanggang Biyernes sa RMN-DZXL 558, 1:30 p.m. hanggang 2:30 p.m. at mapapanood din sa livestreaming sa official Facebook page ng RMN.

Layunin umano ng programa na maghatid ng serbisyo-publiko na tututok sa mga isyu at problema sa iba’t ibang probinsya kasabay ng pagsusulong sa kaunlaran sa mga kanayunan.

May tagline na On-air aksyon at solusyon, binubuo ang Basta Promdi Lodi ng iba-ibang mga segment tulad ng Promdi Patrol para sa mga balita sa mga probinsya na ihahatid ng mga local correspondent.

Hahanapan naman ng solusyon at aksyon ang iba-ibang hinaing sa segment na Promdi Aksyon.

“Ang focus ng Basta Promdi Lodi ay naayon din sa mga proyekto namin ngayon, ‘yung maabot ang ating mga kababayan. Makakatulong ang programang ito sa pagtalakay at paghahanap ng kasagutan sa mga isyung kinakaharap ng maraming probinsyano,” sabi ni Rep. Alfred.

Chika naman ni Ces, “Excited na akong bumalik sa radyo after many years. At ngayong kasama ko ay isang millennial government official na si Rep. Alfred, alam ko na mas marami pa kaming maaabot na mga kababayan natin. Panahon na ang mga kababayan naman natin sa mga probinsya ang mabigyan ng atensyon, ilahad ang mga kwento nila at ipakita sila ay mga “lodi (idol).”

Agad namang dinagsa si Ms. Ces ng congratulatory messages mula sa mga dati niyang kasama sa ABS-CBN / DZMM na sina Karen Davila, Dyan Castillejo, Julius Babao, Amy Perez among others.

Samantala, recently lang inamin ni Ms. Ces sa isang interview na hiwalay na sila ng partner niyang si Ricky Carandang na former ANC anchor and correspondent at head ng communications group ng the President Noynoy Aquino.

Nag-start ang speculation noon nang mag-post siya ng short hair last May. Hanggang inamin na nga niya. “I think in the relationship, we were no longer nurturing each other. I’m talking about both parties, not just him,” sabi niya sa interview ng Lifestyle Asia kung bakit natapos ang relasyon nila. “I’m still very positive that I will be able to pursue what I want, even without him beside me.”

CES DRILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with