^

PSN Showbiz

John Lloyd, ­nilinaw ang ­relasyon nila ni Katrina

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, ­nilinaw ang ­relasyon nila ni Katrina
Lloydie at Katrina
STAR/ File

Naka-text ng kaibigan namin at kapatid sa panulat na si Joe Barrameda si John Lloyd Cruz para linawin ang tungkol sa kanila ni Katrina Halili.

Nag-react ang netizens sa Instagram post ng isang kaibigan din nilang si Mimi Juareza na mga kuha sa vacation house ni Lloydie sa Batangas kasama si Katrina. Nag-post din ang Kapuso actress na binati ng Happy birthday si Lloydie. Kaya nagduda ng karamihan, meron kayang namamagitan sa dalawa?

Tinanong ni Kuya Joebarr si Lloydie tungkol dito. Ang sagot ng aktor; “Katrina si basically family­. Walang basehan yan kuya jo.”

Nag-message rin kami kay Katrina para hingan ng sagot, pero hindi pa niya nakita sa messenger. Mas naniniwala kaming magkaibigan lang talaga ang dalawa.

May nakarating kasi sa aming may karelasyon daw ngayon si Katrina na isang non-showbiz guy na nasa Palawan. Tinanong namin siya tungkol dito, pero itinatanggi niya. Pamilya raw ang kasama niya sa Palawan.

Anyway, may mga nagkumpirma na sa aming tuloy na si Lloydie sa GMA 7. Isang pelikula at isang drama series daw ang commitment niya sa Kapuso network. Paano kaya ang sitcom na ipu-produce dapat ni Willie Revillame?

Anak ni Jestoni, pumatok na katrabaho si Gardo

Mataas ang rating ng bagong episode ng Magpakailanman na ipinalabas noong nakaraang Sabado. Batang Madrasta ang title ng episode, tampok sina Gardo Versoza at Angela Alarcon.

Isipin mo nga naman, ka-partner na ni Gardo ang anak ng kasabayan niya noon sa Seiko na si Jestoni Alarcon.

Nagpakita ng galing si Angela rito at malaking tulong ito sa kanyang showbiz career na tinanggap ng mga manonood. Pero malaking tulong din dito si Gardo na kahit kinainisan sa First Yaya, type na type naman siya ng followers niya sa TikTok.

Tom, pinapasa-Diyos ang kasal sa October

Puring-puri ni Tom Rodriguez ang fiancée niyang si Carla Abellana dahil sa gitna nang pagiging abala sa kanilang trabaho, naaayos nila ang kanilang church wedding sa darating na October.

Sa nakaraang virtual mediacon ng The World Bet­ween Us, nilinaw namin kay Tom kung talagang October 23 na nga ba ang kanilang kasal na gaganapin sa Tagaytay. “Iyon ang nasa wedding banns eh. Si God na lang ang makakapagsabi ngayon,” safe na sagot ni Tom.

Nandiyan lang daw siya sumusuporta sa preparasyon. Mabuti at naaayos daw nang mabuti ni Carla na abala rin sa ginagawa niyang drama series kasama si Rocco Nacino.

“Kinakaya naman namin, even though may kanya-kanya kaming project ngayon” sabi ni Tom.

Matagal pa naman ang October, kaya abangan na lang ang announcement ng buong wedding entourage.

Todo promote pa muna ngayon si Tom ng The World Between Us na magsisimula na sa July 5 pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

KATRINA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with