^

PSN Showbiz

Paano... ni Juday, pahinga na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paano... ni Juday, pahinga na
Juday
STAR/ File

“Hanggang sa muli nating pagkikita…,” ang last part ng message ni Judy Ann Santos sa farewell post niya para sa programa niyang Paano Kita Mapasasalamatan.

Naka-groufie photo sila sa nasabing post niya na kasama si Ryan Agoncillo na na­ging director niya sa programa ever since na mag-umpisa ito.

Maging ang programa ni Angel Locsin na Iba ‘Yan ay last episode na rin kahapon.

Halos sabay nag-umpisa ang dalawang programa pagkatapos mawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Sabi ni Juday : “Sa bawat natatapos na programa.. palaging may lungkot.. pero.. kasabay ng lungkot, ay ang ngiti sa mga puso naming lahat dahil alam naming maraming tao ang may mabubuting puso, at marami ring nagkaroon ng pag asa at marami ring na inspire.. at mapalad kami dahil nagawa naming maibahagi sa inyong lahat ang mga kwentong nagbibigay ng pag asa sa ating lahat .. na sa kabila ng problema, pandemya at kaguluhang nangyayari sa ating paligid.. hinding hindi mawawala ang kabutihan ng bawat tao.. taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng PKM.. mamimiss ko kayo… mamimiss kong magbahagi at matuto sa mga kwento ng bawat taong naging bahagi ng programa natin.. sir deo (endrinal) and tita cory (vida­nes).. maraming salamat po sa tiwala.. madr erik , manay ethel and madr bibs.. salamat sa pag gabay sa akin,” bahagi ng buong post ng actress na abala rin tuwing Linggo dahil sa live selling sa social media ng kanilang special champorado.

Nauna napabalita na ini-offer kay Juday ang bida role sa Doctor Foster / The World of A Married na may local title na The Broken Marriage Vow pero ayaw diumano nito sa lock-in taping.

Si Jodi Sta. Maria ang gaganap na bida rito with Sue Ramirez and Zanjoe Marudo.

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with