^

PSN Showbiz

Jay, parang pang-sikat na aktor ang singil na talent fee

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jay, parang pang-sikat na aktor ang singil na talent fee
Jay

Totoo kaya ‘yung nakarating sa aming kuwento na umaabot daw ng P200K per taping day si Jay Manalo?

Ang latest na nakarating sa amin ay siya raw dapat ang guest sa isang episode ng Dear Uge pero naloka raw sila sa sinisingil na P200K per taping day.

Kung sabagay, magaling naman si Jay na aktor, pero ang ganung presyo sa panahon ng pandemya ay pambida na at mas sikat na aktor.

Kaya pinalitan na raw ito ni Wendell Ramos na maganda naman ang kinalabasan at napapanood pa ito sa Linggo pagkatapos ng Wagas.

Pero isa sa in demand na aktor si Jay bilang major support sa mga drama series. Kasama siya sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na sa Lunes, February 8 na mapapanood ang fresh episodes. Na-enjoy ni Jay ang taping nila sa Anak ni Waray… kaya naging close na ang buong cast. Pero wala pa kaming nakuhang sagot mula sa produksyon kung binayaran nga ba nila ng P200K per day si Jay na na-lock in ng ilang linggo.

Arjo, tameme pa sa pagpasok sa pulitika

Wala munang pahayag si Arjo Atayde kaugnay sa isyung papasukin na rin daw nito ang pulitika. Pero may naririnig na nga kaming may ilang grupo ng mga pulitiko o partido na nililigawan daw itong tumakbo.

Kay Manay Lolit Solis unang narinig na sa District 5 daw tatakbo si Arjo at posibleng makalaban nito ang kapatid ni Cong. Alfred Vargas na si Konsehal PM Vargas.

Pero pawang haka-haka pa lamang iyon dahil wala pang sagot si Arjo kaugnay diyan.

Posibleng may ganun ngang plano dahil nang tinanong namin si Sylvia Sanchez kaugnay dito, maikli lang ang sagot niya sa amin na “pinag-iisipan pa lang.”

Wala pa raw muna siyang masasabi kaugnay diyan dahil wala pa namang desisyon tungkol dito.

Lindsay, pinatulan ang fake news

May mga isyung hindi na dapat patulan pa. Karamihan kasi sa celebrities ngayon ay apektado kapag ang netizens ang nagsasalita.

Kung hindi naman kasi totoo, dapat deadma na lang. Kaya dededmahin na lang sana namin ang pagkaka-link kay Dingdong Dantes sa young star na si Lindsay de Vera na dati niyang nakasama sa Alyas Robin Hood.

Nang may mga lumabas na blind item tungkol sa ilang female celebrities na buntis, idinawit ang pangalan ni Lindsay at damay pa si Dingdong. Hindi na ito pinatulan ni Dingdong pero galit na galit ang nanay ni Lindsay na nag-post sa kanyang Facebook account at pinabulaanan ang kumalat na balita.

Pagkalipas ng ilang araw ay nagsalita na rin ang young star para linawin ang isyung ito. Lumabas ang interview niya sa 24 Oras ng GMA 7 kamakalawa lang, pero bago iyan ay nagpa-interview na ito via phone patch sa online show ni Jobert Sucaldito. Sabi ni Lindsay; “Never po ako naging girlfriend or anything ni Kuya Dong and I respect Kuya Dong as a person and as an actor and as a husband and siyempre, I also respect ‘yung wife…hindi po totoo ‘yung fake news, that’s why it’s fake news..”

vuukle comment

JAY MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with