^

PSN Showbiz

BGYO, dalawang taon bago nabuo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
BGYO, dalawang taon bago nabuo
BGYO

Bagyong-bagyo ang launching Pinoy-pop group na BGYO last Friday night.

Bongga dahil last weekend lang sila nagkaroon ng official launching pero ang dami na pala agad nilang followers.

Present sa nasabing launching si Laurenti Dyogi, ang head ng Star Hunt Management Entertainment Production at Star Magic na aminadong matagal din pinlanong bumuo ng isang P-pop group na mala-BTS ang concept.

Sa The Light: THE BGYO Launch online event ­unang napanood ang music video nila na inabangan ng fans.

Sinimulan nga ng Star Hunt ang pagbuo ng boy group noong 2018. Matapos ang dalawang taon at ma­tinding training malayo sa kanilang mga pamilya, pinakita na nina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate ang kanilang husay sa pag-awit at pagsayaw.

Maging ang mga naging mentor nila na mga Koreano ay all praises sa grupo at feeling daw nila ay sisikat ang mga ito at matatalbugan pa ang ibang K-pop group.

Ang nasabing online event ay ang kauna-unahang fan confe­rence ng BGYO, na nagbigay ng pagkakataon sa fans na makahalubilo ang kanilang idols at sumali sa ilang fun games, virtually.

Actually, ang cute ng mga member ng BGYO at in all fairness, kaya nilang tapatan ang mga K-pop na sikat sa kasalukuyan.

vuukle comment

GROUP

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with