^

PSN Showbiz

Zeus, ipinakilala ng gf kay lord

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zeus, ipinakilala ng gf kay lord
Zeus Collins at Pauline Redondo

Mahigit isang taon nang magka­sintahan sina Zeus Collins at Pauline Redondo. Ayon sa Hashtags member ay sa isang restaurant-bar sila nagka­kilala ng dalaga bago magtapos ang taong 2019. “Matagal ka­ming nag-usap ulit kasi nga medyo busy. Magte-training na siya (noon) bilang flight attendant kaya naging busy siya. parang four months pa nakalipas bago ako nanligaw sa kanya,” bungad ni Zeus.

Para sa binata ay na kay Pauline ang lahat ng mga katangian na kanyang hinahanap sa isang babae. “Medyo na-challenge ako sa kanya, sobrang simple niya at mabait siya. Alam mo ‘yung kung paano siya makipag-usap sa tao. Doon ako mas napalapit sa kanya no’ng ipinakilala niya ako kay Lord. Ang swerte ko talaga,” pagbabahagi niya.  

Kahit abala sa kanya-kanyang trabaho ay sinisikap umano ng magkasintahan na makapaglaan ng oras para sa isa’t isa. “Ako kasi lagi ko lang ipinaparamdam sa kanya na siya talaga ang special para sa akin. Nakakatuwa dahil may nagkakagusto sa iyo pero lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Ikaw lang, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang makakasama ko.’ Importante oras, lagi kong ipinaparamdam sa kanya. At ‘yung tini-take ko naman, sobrang maasikaso si Pauline. Sobrang punung-puno ako ng kasiyahan. Sa ngayon ay ang pinag-uusapan namin, gusto namin na mag-ipon muna kasi kailangan ‘yon. ‘Yung pagmamahalan namin kailangan malawak ang pang-unawa namin sa isa’t isa. Sana ito na ‘yon, ito na ang forever,” paglalahad ng aktor.

Daryl, gustong makatrabaho si Sarah

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata si Daryl Ong sa Viva Records. Ayon sa singer ay kailangang pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang proyektong nakatakdang gawin ngayong taon. Nangangarap si Daryl na makatrabaho si Sarah Geronimo na isa ring Viva artist. “I have not worked with her before. Now that we’re both with Viva, it will be easy for us to work together. Who will not be excited that I’m in the same fa­mily with Pop Star Royalty Sarah Geronimo,” pahayag ni Daryl.

Bukod kay Sarah ay gusto ring makatrabaho ng singer ang ilang mga banda o rapper na kasamahan din sa Viva ngayon. “I really love collaborating with different artists. I believe there is always something new to learn in life and it’s the same with music. This band, Thyro and Yumi, they are well established artists, even the new ones. I can collaborate with them anytime. To do a song and collaborate with a rapper, that’s something I haven’t tried yet. I’m really very excited. Ang lawak ng pool of talents ng Viva. Kapatid ko na sila, I can collaborate with them anytime,” paliwanag ni Daryl.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring subukan ni Daryl ang maging Producer. Gusto umanong tulungan ng singer ang mga baguhan pa lamang sa industriya na talentado. “I want to be a record producer. Every time I will see a young artist who’s doing well in the mainstream or online platform, the initial thing I was thinking was how to get in touch with him. So I can work or collaborate with him. What can I do for him? That’s my perspective,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

ZEUS COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with