^

PSN Showbiz

Andrew E. nahirapan nang magkasakit

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrew E. nahirapan nang magkasakit
Andrew E.

Hindi naging madali para kay Andrew E. ang pinagdaanang pagsubok sa buhay ngayong taon. Nagkaroon ng karamdaman ang rapper na naging dahilan ng panghihina ng kanyang katawan. “Last February nagkaroon ako ng cholesterol blockage. Mapalad, napakabait ng Panginoon na na-guide ako, made me strong, and hindi ako binawasan ng tapang,” pahayag ni Andrew sa Magandang Buhay.

Ngayon ay malaki na ang nabawas sa timbang ng rapper at maayos na rin ang pakiramdam. Hirap na hirap umano si Andrew nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagkakasakit. “Kunwari, itong guesting na ito ay nangyari four months ago, ako magsasabi sa inyo na baka hindi muna ako mag-guesting. Kasi ang lakas ko is like 30 percent, kapag hahawak sa rail, ang kailangan ko dalawang kamay. So from 30 percent now ay 90 percent to 95 percent, kaya nga magandang buhay,” kuwento niya.

Samantala, dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa mga nakalipas na buwan buwan ay mas naintidihan daw ni Andrew ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa. “The more na na-realize mo na dito sa larangan ng ginagawa mo, it’s more about like looking towards other people. For you, ang value ng maliit na bagay ay ‘yon pala ay sobrang laki para sa ibang tao,” pagtatapos ng rapper.

Julia, proud na non-existent ang boobs!

Muling nagkasama sa isang vlog ang magkaibigang sina Julia Barretto at Marco Gumabao. Mapapanood ito sa sariling YouTube channel ng aktor. Dito ay napag-usapan ng dalawa kung ano ang matituturing nilang pinakaseksing parte ng kanilang katawan. “Well I think my lips. But number one my butt. I can’t say boobs, obviously. It’s non-existent. Thank God I have an ass. So butt, lips, neck, collar bone, shoulders, eyes,” nakangiting pagbabahagi ni Julia.

Para naman kay Marco ay talagang ang kanyang panga ang masasabi niyang pinakamagandang bahagi ng kanyang mukha. Ayon sa aktor ay mayroon pang ilang nagsasabi na ipinaretoke pa niya ito. “Hindi ko alam na may ganyan ako because I was fat. Promise, before madaming nagtatanong sa akin kung pinagawa ko ‘yung panga ko. Sabi ko di ko alam kung masasaktan ako or I’ll take it as a compliment na mukhang gawa. Guys, I hate to break it to you but it’s all natural. Nakuha lang ‘yan sa gym, sa workout,” natatawang paglalahad ni Marco.

Matatandaang nagkasama na kamakailan sina Julia at Marco sa isa ring vlog kung saan ay umamin ang aktor na nanligaw siya sa dalaga noon.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREW E

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with