^

PSN Showbiz

Singer-actress, pinapadrino ng record producer na makalundag ng network

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Di makabalik sa pinanggalingan

May pakpak ang balita. At lumipad na nang lumipad ang kuwento sa kung saan-saan na diumano’y may kumakausap na sa isang network para sa paglipat ng isang pamosong singer-actress.

Palaging nagpo-post ang female persona­lity na napakahirap ng ganitong buhay na puro palabas ang pera at walang pumapasok sa kanyang kaban.

Kuwento ng aming source, “Nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanya dahil kung kailan naman siya umaasang magiging stable na siya sa network na pinagseserbisyuhan niya, e, saka naman nangyari ang ganito!

“Wala naman kasing nag-isip na maipakakandado pala ang network nila. Puwedeng mangyari ang ganu’n sa ibang istasyon, pero hindi sa kinikilalang giant network, di ba?

“Kung kailan naman nandu’n na siya, e, saka pa nangyari ang indulto! Paano na nga naman sila, alangan namang kumanta na lang sila nang kumanta via Zoom churva!

“Ano ang kikitain nila du’n? Maraming mano­nood, pero paano ang bulsa nila, e, di wala rin!” unang opinyon ng aming impormante.

Kailan lang ay umalsa ang kuwento na nakikipagtransaksiyon na ang female singer sa isang malaking produksiyon para ayusin ang kagustuhan niyang lumundag ng ibang network.

Patuloy ng aming source, “Siyempre, out na sa listahan ang isang malaking network na pinanggalingan niya! May pride naman ang girl para gawin ‘yun! Pagkatapos ng mga pinagsasasabi niya, e, babalik pa ba siya du’n?

“At tatanggapin pa ba naman siya uli ng management ng station pagkatapos ng mga sinabi niya nu’ng lumundag siya sa kabilang bakod?

“Natural, hindi na! So, ang naiiwanan na lang na station na puwede niyang lipatan, e, ang pinagpipistahang istasyon ngayon na nalundagan na ng ibang mga kasamahan niya.

“Balitang nagpapapadrino siya ngayon sa isang kilalang record producer-manager na marami nang naisasalbang career ng mga artistang nawalan ng work!

“Nakakalungkot ang nangyari sa kanya. Kundi siya nagsalita nu’n ng mga bagay-bagay na makasasakit sa pinagmulan niyang network, e, di sana, meron pa siyang mapupuntahan ngayon?

“Haaay, buhay, parang life!” pagtatapos ng ­aming impormanteng napapailing na lang.

Ubos!

Sharon hindi nagpapaalipin sa pera, compassion hindi nabibili sa mall

Makabuluhan ang mensaheng ipinadala sa amin ni SOS tungkol sa paglalabas ni Lotlot de Leon ng larawan nila ni Nora Aunor. Positibo ang konotasyon nu’n para sa mas nakararami.

Komento ni SOS, “Nakita rin po namin ang black and white picture na ipinost ni Lotlot sa IG account niya. Naisip po namin agad na siguro nga, okey na sila.

“‘Yung family healing and bonding po ang isa sa mga silver linings ng pandemya. Pero siyempre po, mas maganda nga sana na kahit walang pan­demya, e, nagkakasundu-sundo na ang magkakapamilya.

“Tama po, tumatanda na nga si Nora, kaya mas magandang magkaayus-ayos na silang mag-iina. Si Ate Orang na nangangailangan din naman, pero siya pa ang generous at matulungin sa kapwa.

“Hindi talaga mabibili ang compassion sa kahit anong mall,” kumpletong mensahe ni SOS na pinasasalamatan namin.

Bigla naming naalala ang sinabi ni Sharon Cuneta, sabi ng Megastar, “I don’t like money to rule me, I am the master of my money. Money is not my master. It never will be.”

Na totoong-totoo naman at tama. Inaalipin dapat ang pera at hindi dinidiyos. Ipinangtutulong ang pera sa mga mas nangangailangan dahil napakasarap nu’n sa pakiramdam.

Tama, o sobrang tama, SOS?

TV5 lockdown muna, Take It… babalik na sa ere

Pagkatapos nang ilang Martes nang tanghali na hindi natin pinagsaluhan ang Take It, Per Minute... Me Gano’n ay balik-chikahan na uli tayo.

Tuwang-tuwa ang aming mga regulars, lalo na ang mga kababayan nating nasa iba-ibang bansa na ang tawag sa amin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu ay pildoras sa kalungkutan, dahil muli na kaming magkakakuwentuhan ngayong tanghali sa TIPMMG.

Kung kailan naman meron nang Take It, Per Minute... Me Gano’n sa araw na ito ay saka naman walang Cristy Ferminute kahapon at ngayong alas kuwatro, bukas na kami babalik sa ere dahil nag-lockdown ang TV5.

Napakadekadente talaga ng panahon dahil sa pandemya, walang kasiguruhan, maraming naaapektuhang buhay at negosyo.

Pero tama ang desisyon ng TV5, buhay muna bago ang hanapbuhay, hindi tayo makabibili ng panibagong buhay sa pinakamahal mang merkado kapag nawala na.

Iisa lang ang buhay natin na kailangang pag-ingatan. Kaligtasan muna bago ang pangangalakal.

vuukle comment

BALITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with