^

PSN Showbiz

Gretchen hindi nagsisinungaling, eksaherada lang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen hindi nagsisinungaling, eksaherada lang!
Dolor and Gretchen

Mukhang bago matapos ang taon may puputok na issue na mas malaki pa sa bulkang Mayon at talagang fiesta galore na naman sa showbiz.

First, ang issue tungkol sa bigas at 150K, at ang mga main lead ay sina Gretchen Barretto at Dolor Guevarra.

Supporting roles kami nina Cristy at Bettina Aspillaga, alam mo na ang Nay Lolit mo kasali sa lahat yata ng issue ng showbiz.

Nahihiya na nagtanong sa akin si Bettina, ang number 1 trusted assistant ni Boy Abunda, na ang loyalty kay Boy lang at wala nang iba, basta kung sino ang i-assign sa kanya ni Boy, sunod lang siya pero first and foremost big boss niya, si Boy lang.

Nagtanong siya kung may natanggap ba akong 150K mula kay Gretchen para sa amin ni Cristy. Sabi ko, wah at bakit ako bibigyan ni Greta? Kasi may ipinabigay daw 150K sa amin ni Cristy.

So tinanong ko si Cristy, waley ang sagot niya. So tinawagan si Dolor na siya raw inutusan ni Gretchen para magbigay sa amin ni Cristy.

Naungkat ang issue ng bigas na sinasabi ni Gretchen na ipinabibigay daw para naman sa ilang kaibigan nila na hindi naman natanggap nina Shirley Kuan at June Rufino. Totoo rin pala, kaya nga lang sabi ni Dolor hindi ipinatuloy ang pagbibigay kina Shirley at June.

So nagsasabi nang totoo si Gretchen, meron ngang 150K at mga bigas, meron lang konting exaggeration ang kuwento, ‘yung dapat may natanggap kami nina Cristy, Shirley at June.

She is not lying, or fabricating story, exaggerating lang. Mukhang this issue will not die or both Gretchen and Dolor will not take it sitting down.

Nakapagtataka na ang dating very close, nagkaroon ng falling out na umabot sa ganito na kalkalan ng issues.

Ang sabi ni Jaypee, anak ni Dolor, hindi daw ako pinabigyan ni Gretchen dahil maka-Kris Aquino ako at  si Bettina daw sinisiraan din ni Gretchen.

Actually, si Bettina inutusan lang ni Gretchen magtanong sa amin ni Cristy, sure ako na hindi ginawa ‘yon ni Bettina for intrigue kaya out siya dito.

Kung nasaan ang sinasabi ni Gretchen na ipinabigay niya na 150K, hahanapin ko para ibibigay ko ang 50K sa Malasakit Foundation ni Kara David para sa pag-aaral ng mga anak ni Cesar Apolinario.

‘Yung 50K hahatiin ko sa mga Take It...Per Minute!(Me Ganun) staff and crew at ang 50K ilalagay ko sa savings ko.

Kaloka, budgeted na agad eh nawawala nga pero ang sure ako, lalabas din ‘yan dahil aabonohan ni Atong Ang para matahimik na ang lahat.

Imagine mo Salve, hindi ko akalain na makakasali ako sa Barretto war of the roses. Naku tanggap ko na, talagang kaladkarin ang image ko, kinakaladkad sa lahat ng issues lagi na lang ako, ako, ako.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with