The Clash magkakaroon ng Season 3

Mukhang magkaka-season three ang The Clash dahil maganda ang resulta ng buong season two na katatapos lang ang finals nung nakaraang Linggo, December 15.
Marami pa ang natuwa sa pagkapanalo ni Jeremiah Tiangco ng Imus, Cavite na siya naman talaga ang kinatatakutan ng karamihang clashers.
Nung nakaraang Sabado, December 14 na kung saan nagkaroon ng The
Clash concert, nakakuha ito ng 8.4 percent at dumikit ang Home Sweetie Home na may 8.2 percent at 8.3 naman ang Your Moment.
Albee active na ulit sa pagpo-produce
Magiging active ang dating Cong. Albee Benitez ng Negros Occidental sa pagpu-produce ng pelikula sa itinayo niyang Brightlight Productions.
Nakikipag-co-produce naman siya sa ilang pelikula, pero hindi gaanong maganda ang resulta, at wala pa yatang may naibalik sa inilabas niyang puhunan.
Pero tuloy pa rin sa pagpu-produce at mas malaking pelikula pa nga ang ginagawa ngayon ng kanyang Brighlight Productions.
Isa na rito ang Magikland na isasali sana ngayong Metro Manila Film Festival.
Iprinodyus din niya ang Kid Alpha One na balak nilang isali sa Summer Metro Manila Film Festival. Pero, puwede rin daw ang Magikland ang isa-submit nila sa Summer MMFF.
Ngayong wala na muna siya sa pulitika, seryoso siya sa pagtulong sa movie industry.
Naniniwala kasi siyang pag may mga dagdag na investors para gumawa ng pelikula, magiging active muli at tuluy-tuloy ang trabaho ng mga industriya.
Marami raw kasing magagaling dito na dapat na mapakinabangan ng movie industry.
Nadu-dominate na lang daw kasi ng mga malalaking kumpanya kagaya ng Star Cinema, Regal at Viva.
Pero sinabi rin namin sa kanya na nabibigyan naman ng chance ang ibang film productions. Ang problema lang, walang nanonood.
Ang isa pa raw kasi na target niya ay pang-international market, at ang alam daw niyang makaka-penetrate sa international ay horror at action films.
Kaya ginawa niya itong Kid Alpha One na pinagbibidahan ng anak niyang si Javi Benitez.
Ipinagmamalaki niyang maganda ang kinalabasan ng pelikula. Hindi kasi niya tinipid sa budget.
“I wanted to come out with the product that the Filipino industry can say ‘hey kaya nating tumapat sa Korea, mga international films, etc.
“I was trying to showcase the talents of the Filipinos.
“I was more looking at quality films that can be up there. Technically upgrading the the standard,” dagdag pa niyang pahayag.
- Latest





















